• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 kalaboso sa shabu at pagnanakaw ng mga cable wire

ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagbabalat at nagpuputol ng mga ninakaw na cable wire ng isang telephone company kung saan tatlo sa mga ito ang nakuhanan ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang mga naarestong suspek na sina Lester Bernardo, 32, Joselito Samson, 46, Arnold  Bormate, 27, at Arsenio Hapil, 36, pawang residente ng Brgy., Malinta.

 

 

Ayon kay PCpt Doddie Aguirre, hepe ng Sub-Station-4, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang concerned citizen na mayroong mga kalalakihang nagpuputol at nagbabalat ng mga copper wire sa 297 Gitnang Tangke St., Brgy. Malinta.

 

 

Kaagad nilang nirespondehan ang nasabing lugar kung saan naaresto nila si Samson nang maaktuhan nagpuputol ng mga kable habang nakatakbo naman ang kanyang kasama na si Bernardo at pumasok sa isang compound kaya hinabol siya ng mga pulis.

 

 

Nakorner ng mga pulis si Bernardo sa loob ng nasabing compound kung saan naaktuhan naman sina Bormate at Hapil habang nagpuputol at nagsusunog ng sari-saring copper wire subalit, nang arestuhin na ay itinulak ni Hapil si PSSg Joseff Domingo saka tumakbo ngunit nadakip din siya kalaunan.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang mga copper cable na nagkakahalaga ng P150, 078.56 habang ayon kina SDEU investigators PCpl Glen De Chavez at PCpl Christopher Quiao, nakuha kina Bernardo, Samson, at Bormate ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.5 grmo ng hinihinalang shabu na nasa P10,200 ang halaga.

 

 

Ani SIDMB chief PCpt Robin Santos, kanilang napag-alaman na sa Malabon City ninakaw ang mga cable wire habang narekober pa ng mga pulis sa mga suspek ang gamit nilang isang puting Suzuki mini van, safety shoes, safety helmets, sari-saring tools at mga pekeng dokumento na may logo ng telephone company para sa gagawin nilang operasyon sa lugar. (Richard Mesa)

Other News
  • UNANG BABAENG MAYOR NG MAYNILA MAYOR HONEY LACUNA PANGAN

    Binabati ng lahat ng pamunuan/Editorial Staff ng People’s Balita ang lahat ng bagong halal noong nakaraang eleksyon 2022 sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto at mga Congressman sa unang Distrito Congressman Ernix Dionisio, ikalawang distrito Congressman Rolan Valeriano, ikatlong distrito Congressman Joel Chua, ikaapat na distrito Congressman Edward […]

  • Metro Manila mayors humirit na rin ng Alert Level 4

    DAPAT paghandaan na ang posibilidad na maitaas sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa susunod na mga araw, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     Sinabi kahapon ni Atty. Crisanto Saruca, head ng Metro Manila Council Secretariat, na posibleng maglabas ng resolusyon hinggil sa pagsasailalim sa  Alert Level 4.     “….magkakaroon […]

  • Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

    Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.     Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.     Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]