• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa gitna ng babala ng China: PBBM, pinanindigan ang mga bagong EDCA sites

PINANINDIGAN at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang payagan ang mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay makapagduulot ng malubhang pinsala sa Pilipinas.

 

 

“There are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north. There are some around Palawan. There are some  further south,” ayon kay Pangulong MArcos sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Philippine Army.

 

 

Hindi naman binanggit ng Pangulo ang mga bagong lokasyon subalit matatandaang noong 2014 pinayagan na ng EDCA ang Estados Unidos na pansamantalang mag-station ng tropa nito sa limang sites gaya ng Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Benito Ebuen Air Base sa Cebu.

 

 

Winika naman ng Pangulo na malapit nang ianunsyo ng Pilipinas at Estados Unidos ang apat na bagong sites.

 

 

Binanggit din ng Chief Executive na ang karagdagang lokasyon para sa EDCA ay maaaring “defend our eastern coast.”

 

 

“That’s also something we have to look out for,” ayon sa Punon Ehekutibo sabay sabing kailangan din na protektahan ng bansa ang waters off ng eastern seaboard ng bansa partikular na ang Benham Rise.

 

 

Aniya pa, ang lokal na pamahalaan na “had interposed some objections” ay hayagan nang nagpahayag ng suporta sa posibilidad na magsilbing host sa US troops.

 

 

“We explained to them why it was important that we have that and why it will actually be good for their province,”  aniya pa rin. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Other News
  • Due to insistent public demand: Bonding ng dalawang Sanchez sa ‘Korina Interviews’, muling natunghayan

    ULING natunghayan ang kasiyahan at insightful moments ng exclusive one-on-one interview ni Korina Sanchez-Roxas sa award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Korina Interviews kahapon (Linggo, Disyembre 4) sa NET 25.     Due to insistent public demand, kaya muling ipinalabas ng Korina Interviews ang talaga namang pinag-usapan na episode kasama ang veteran dramatic actress […]

  • PBBM, kinokonsidera na palawigin ang State of Public Health Emergency

    KINOKONSIDERA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang  public health emergency  na idineklara sa buong bansa noong 2020 dahil sa  COVID-19 pandemic.     Sa PinasLakas vaccination event sa SM City sa Lungsod ng Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na kinokonsidera nito na palawigin ang deklarasyon hanggang katapusan ng taon.     “Yes, we […]

  • Bilang pagsuporta sa magandang adbokasiya ng Musa: VINA, bonggang-bongga na rumampa sa ‘New York Fashion Week’

    TUWANG-TUWA si Vina Morales dahil sa bonggang-bongga siyang rumampa sa runway ng New York Fashion Week para sa Musa.   Pinag-usapan nga ang 46-year old na singer/actress na naging bahagi ng catwalk para sa isang layunin na malapit sa kanyang puso.   Caption niya sa IG post, “Such an honor to do the grand finale […]