• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Oplan Biyaheng Ayos’ ikinakasa ng PITX, para sa Semana Santa

NAGHAHANDA na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng mahigit 1.2 milyong pasahero na inaasahang dadagsa ngayong Semana Santa.

 

 

“The expectation of more than a million passengers stemmed from the observation that passengers will travel earlier to avoid the holy week exodus within the metro, with this, we are prepared in ensuring the commuting public’s welfare through the Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023” , ani Jason Salvador, Corporate Affairs and Gov›t Relations Head ng PITX.

 

 

Ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Ang Semana Santa’ ay isang inisyatiba kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng; Department of Transportation (DOTr), Metro Manila Development Authority (MMDA), Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police (PNP), at Red Cross – Parañaque Chapter para sa maayos at ligtas na paglalakbay ng mga biyahero ngayong Holy Week.

 

 

Itatayo ang DOTr Malasakit Help Desk (MHD) simula Abril 1 sa main entrance (Entrance 2) ng terminal na may kinatawan ng  DOTr, I-ACT, LTO, LTFRB, MMDA.

 

 

Ang Red Cross Parañaque Chapter ay nagde-deploy ng mga Emergency Medical Technicians sa mga kaso na nangangailangan ng basic life support. Ang PNP ay nagsasagawa rin ng 24-hour mobile patrol, na may karagdagang K-9 units upang higit pang paigtingin ang mga hakbang sa seguridad sa paligid ng lugar.

 

 

Samantala , ang LTO naman ang magsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng PUV para matiyak ang  road worthy at ang mga driver ay physically at mentally fit at wala sa  impluwensya ng alak at ipinagbabawal na droga.

 

 

Nagbigay na ng special permit ang LTFRB sa 22 units para dagdagan ang supply ng mga bus na bumibiyahe sa Bicol Region para makapagsilbi ng mas maraming pasahero. Magde-deploy din ang ahensya ng mga tauhan sa ground para mag-isyu ng mga ­espesyal na permit sa mga karagdagang bus, real time, kapag kailangan.

 

 

“PITX is equipped to accommodate passengers and provide them with a comfortable travel experience “Our restrooms are well-maintained; seats are provided for waiting passengers; we have fast connection with our free WiFi; we also have designated char­ging stations care of SMART, and there’s a variety of retail and food options available for everyone,” dagdag pa niya. (Daris Jose)

Other News
  • P1,000 polymer bill ‘not for sale’ – BSP

    INABISUHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi ipinagbibili ang bagong labas na P1,000 pera na gawa sa polymer makaraang limitado munang bilang ang inilabas sa publiko.     Sa pahayag ng BSP, ang bagong isanlibong pera, “is only worth its face value and should not be sold, traded, or bought for any other […]

  • Transport Group na Piston aangkas sa transport strike ng Manibela

    IPINAHAYAG ng militanteng transport na Pinagkaisang Tsuper at Operator Nationwide o Piston na plano nitong makilahok sa tatlong araw na transport strike na ikinasa ng Manibela ngayong linggo.     Sabi ni Piston National President Mody Floranda, umaasa siyang makakausap si Manibela chairman Mar Valbuena upang plantsahin ang kanilang susunod na plano.     Ito […]

  • Pagbati bumuhos sa pagreretiro ni UFC champion Khabib Nurmagomedov

    BUMUHOS ang pagbati sa desisyon na pagreretiro ni UFC fighter Khabib Nurmagomedov.   Isinagawa nito ang pagreretiro ng talunin niya si Justin Gaethje sa UFC 254 na idepensa ang kaniyang lightweight title.   Mayroon na itong malinis na career record na 29-0.   Isa sa dahilan ng pagreretiro niya ay matapos na pumanaw ang ama […]