Naging maayos ang lahat nang makilala si Mikee: PAUL, inaming na-trauma na makipagrelasyon dahil sa ex-gf na si BARBIE
- Published on March 28, 2023
- by @peoplesbalita
WALA na raw sama ng loob si Paul Salas sa ex-girlfriend na si Barbie Imperial.
Kahit na maraming sinabing hindi maganda si Barbie na puwedeng ikasira ng pagkatao ng Kapuso hunk, itinanggi niya ang mga paratang nito sa kanya at pinatawad niya ito.
“Aminin ko po, ngayon lang po nawala ‘yung pagiging bitter ko sa kanya. Kasi noong time na ‘yun hindi ko matanggap na, ilabas ‘yung mga ganu’ng news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo,” sey ni Paul sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’.
Inamin ni Paul na na-trauma siya sa pakikipagrelasyon, hanggang sa nakilala niya ang girlfriend niya ngayon na si Mikee Quintos
“Dumaan po sa akin ‘yung trauma na, ‘yung ‘pag iniiwan ng ka-relationship, like sa girlfriend noon. Hindi ko po alam ‘yun hanggang sa makilala ko si Mikee. At parang siya pa ‘yung nakakita noon sa akin.”
Hindi naman itinanggi ni Paul na may trust issues siya. Umiiral daw sa kanya ang pagiging sobrang seloso.
“Nandoon na ‘yung trust issues ko, nandoon na ‘yung tamang hinala ko. Aminado po ako sa sarili ko, sobra akong seloso. Kasi feeling ko kaunting time lang na may makausap lang na ibang lalaking kaibigan ‘yung nagiging karelasyon ko, feeling ko lolokohin na ako.”
Pero with Mikee, unti-unti raw nawala ang pagiging seloso ni Paul at natuto siyang magtiwala ulit. Magkasama ang dalawa sa GMA Public Affairs at Viu Philippines teleserye na ‘The Write One’ na bida sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
***
HINDI naman daw sinasara ni Bamboo Mañalac ang posibleng reunion concert nila ng former bandmates na Rivermaya.
Ayon sa The Voice Kids coach: “I will never say never. But I cannot imagine how. We can hang out in the house or have dinner, but to play again? You have to imagine how long we’ve been away from each other and what kind of family I’ve built with the guys I’m playing with now. I’m pretty loyal to my band now.”
Kasama noon ni Bamboo sa Rivermaya sina Rico Blanco, Mark Escueta, Nathan Azarcon and Perf de Castro. Iniwan ni Bamboo ang banda for a solo career in 1998. Naging malaking dagok sa banda ang biglang pag-alis niya at matagal din bago naayos ang relasyon niya sa former bandmates.
Pero tanggap na rin ni Bamboo na dahil sa nangyari 25 years ago, hindi na raw mababalik ang dating naging samahan nila ng Rivermaya: “I understand we’re all trying to make a living. I got to take care of my guys. I know Rivermaya is out there. They are doing their thing as well, as they are playing. They are sharing their music, as well.”
Ilan sa mga pinasikat na songs ng Rivermaya noong ’90s ay “Ulan”, “214”, “Hinahanap-Hanap Kita”, “Himala” at “Kisapmata”.
***
IN-ANNOUNCE ng Hollywood actress na si Reese Witherspoon ang pagtatapos ng 11-year marriage niya sa kanyang husband na si Jim Toth.
Kinasal sila noong 2011 at may isang anak na si Tennessee James (10 years old)
Kapwa sila naglabas ng official announcement via Instagram: “We have some personal news to share… It is with a great deal of care and consideration that we have made the difficult decision to divorce. We have enjoyed so many wonderful years together and are moving forward with deep love, kindness and mutual respect for everything we have created together.
“Our biggest priority is our son and our entire family as we navigate this next chapter. These matters are never easy and are extremely personal. We truly appreciate everyone’s respect for our family’s privacy at this time.”
Ito ang second divorce ng Legally Blonde star. Una siyang kinasal sa aktor na si Ryan Phillippe noong 1999 at mag-divorce sila noong 2008. Dalawa ang naging anak nila na sina Ava (23) at Deacon (19).
(RUEL J. MENDOZA)
-
Nagtala ng mataas na ratings: Radyo5 TRUE FM, pinarangalan bilang Best Radio Station sa ’11th Makatao Awards”
MAY bagong milestone na nakamit ang Radyo5 TRUE FM matapos tanghaling bilang ‘Best Radio Station’ sa 11th Makatao Awards ng People Management Association of the Philippines o PMAP kamakailan. Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng malaking tagumpay para sa Radyo5 mula nang nag-rebrand ito noong Marso at binago ang kanilang programa upang […]
-
LTO hindi maglalabas ng mga na-impound na colorum na sasakyan hanggang walang kautusan ang korte
Tanging korte lamang ang maaring magbigay ng kautusan para mabawi ang mga nakumpiskang colorum na sasakyan. Sinabi ng Land Transportation Office (LTO), na hindi sila basta naglalabas ng mga nakumpiskang colorum na sasakyan kahit na nakapagbayad na ang mga operators ng mga multa. Giit ni LTO chief […]
-
Kiyomi bigatin ang makakalaban sa Tokyo Games
Aminado ang Philippine Judo Federation (PJF) na mahihirapan si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe na makapag-uwi ng medalya mula sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Ito ay dahil sa bigating mga karibal ni Watanabe sa women’s -63-kilogram division, ayon kay PJF president David Carter. Ilan rito ay sina World No.1 Clarisee Agbenenou […]