• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 HIGH-END AMBULANCE, HANDA NG IPAMIGAY SA MAYNILA

HANDA ng ipamigay ang labindalawang “high-end” Ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos.

 

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labindalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel.

 

Ayon kay Domagoso, dapat ay unang quarter pa lamang umano ng taon 2020 dumating ang mga nasabing ambulansiya ngunit naantala umano ito dahil na rin sa kinakarap na pandemya ng bansa gayundin sa Amerika kung saan binili ang mga nasabing sasakyan.

 

Aniya, ang mga nasabing ambulansiya ay may mga high-tech equipment at machines na maaaring makatugon at makatulong sa mga pasyente sa oras ng “emergency” lalo na ang mga nag-aagaw buhay.

 

Dagdag pa ng Alkalde, naglaan ang lokal na pamahalaang lungsod ng halos P300 milyon umano ang inilaan ng lokal na pamahalaan sa mga nasabing ambulansiya na bahagi ng pagpapalakas sa atensyong medikal para sa mga Manilenyo.

 

Napag-alaman naman Alkalde na ang anim na ambulansiya ay dadalhin sa anim na pampublikong ospital ng Maynila kabilang na ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Tondo, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, at Justice Jose Abad Santos General Hospital. Habang ang natitirang anim na ambulansiya naman ay nasa Manila City Hall kung saan nasa pangangalaga ito ni Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles upang gamitin sa kanilang rescue and emergency operation sa oras na may naganap sa buong Maynila.

 

Iginiiit ni Domagoso na ang paggamit sa mga nasabing ambulansiya ay libre at walang bayad kung saan sa loob nito ay may kumpleto itong equipment at machine gayundin may medical professional na nakasakay dito. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads July 30, 2024

  • Dalaga na nga ang kontrabida sa ‘Prima Donnas’: ELIJAH, nagpasilip na kanyang pre-debut photoshoot sa kinunan sa Tagaytay

    DALAGA na at hindi na bata si Elijah Alejo na mag-turn 18 na sa susunod na buwan.     Ang former child actress na nakilala bilang ang kontrabidang si Brianna sa ‘Prima Donnas’ ay papasukin na ang pagiging mature lady at nagpasilip ito ng kanyang pre-debut photoshoot na kinunan sa Chateau De Tagaytay.     […]

  • EJ Obiena aminadong hirap pa ring matanggap ang pagkatalo noong Olympics

    Aminado si Filipino pole vaulter na hirap pa rin nitong matanggap ang kaniyang pagkatalo noong Tokyo Olympics.     Sinabi nito na ang nasabing karanasan ay tila isang gamot na mahirap lunukin.     Pero gaya ng mga ordinaryong araw ay lilipas din aniya ito.     Magugunitang hindi nakuha ng ranked number 6 sa […]