• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mapapa-LSS at marami ang makaka-relate sa movie: REY, walang tinago at punum-puno ng kulay at drama ang buhay

TUNAY ngang punum-puno ng kulay at drama ang pinagdaanang buhay ng OPM hitmaker at award-winning composer na si Rey Valera sa biopic na dinirek ni Joven Tan, ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).”

 

 

Ito ang official entry ng Saranggola Media sa first Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Sabado de Gloria, ika-8 ng Abril.

 

 

Pag-amin ni Rey sa ginanap na grand mediacon sa GloriaMaris, noong March 25 bago ang special celebrity screening ss Gateway Cinema 5, ang layunin ng pagsasa-pelikula ng kanyang buhay ay ang maka-inspire…

 

 

“Ang iniisip ko sa pelikulang ito ay para maka-inspire sa ating mga kababayan at sa mga susunod na herenasyon. Sa mga kabataan ngayon, ang impact nito ay inspiration.

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “masasabi mo rin na intellectual ang pelikulang ito. Hindi siya sosyal at hindi rin naman siya pang-masa. Yung balancing act na ginawa ni direk dito, yun talaga ang malaking magagawa namin sa pelikulang ito, ang maka-inspire. Yun lang naman talaga ang mahalaga, na may maramdaman ka rito.”

 

 

At base nga sa napanood namin, agree kami sa sinabi ni Rey na, “Iba ito sa usual na Tagalog movie. Halu-halo siya. Hindi sya musical, hindi siya biography.

 

 

“Pero pag-uwi mo, saka mo siya ma-re-realize at sasabihin mo sa sarili mo, paano niya nagawa yun? Kung paano na-execute ang pelikula, magugulat ka.”

 

 

Matutunghayan nga sa napakagandang pelikula ni Direk Joven, ang sampung OPM megahit na pinili mismo ni Rey, na sumasalamin sa kanyang buhay at mga kwento iba’t-ibang Pilipino na kanyang nakilala at nasilayan, na katulad niya’y nakibaka at may kanya-kanyang pinagdaanan sa buhay.

 

Na tiyak kaming marami ang makaka-relate kapag napanood nila ang pelikulang pinag-isipan at pinagkagastuhan para mapaganda ng husto, na tagos na tagos sa puso’t-isipan.

 

Sa “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)” tiyak na maraming mai-LSS, simula sa unang kanta hanggang sa katapusan ng pelikula, na talaga namang pinalakpakan nang husto mga naunang nakapanood.

 

 

Napakahusay ng nakapasuwabeng pagganap ni RK Bagatsing bilang Rey Valera at nakakikilig ang mga eksena nila ni Meg Imperial na kanyang asawa na pinag-alayan ng kantang “Ako Si Superman” na tinanggihan ngang kantahin si Rico J. Puno (na mahusay ding naitawid ni Eric Nicolas, na kopyang-kopya pati boses.)

 

 

Nakaaaliw ang eksena nina RK at Eric, na dahil nga sa pagtanggi ay nagkapangalan din si Rey bilang singer. At may pa-bonus pa sina Direk Joven, dahil na-feature din ang pagkanta ni Rico J ng mga awiting nilikha ni Rey, ang “Daigdig ng Alaala” at “Sorry Na, Puwede Ba”, bilang tribute na rin nila sa ‘Total Performer’.

 

 

Kapansin-pansin din ang pagganap ni Rosanna Roces habang nasa sementeryo na pinagkunan ng awiting “Maging Sino Ka Man” na kung saan kaeksena niya sina Dennis Padilla at Ronnie Lazaro.

 

 

For sure, papalakpakan din ng husto ang mga eksena ni Gardo Versoza bilang bading na na-in love kay Aljur Abrenica na gumaganap na isang stuntman na gustong maging artista, na kung saan pinasok ang “Walang Kapalit” na kanta nga para sa beki ni Rey, na ni-request gawin ni Ike Lozada na ginampanan pa ni Ricky Rivero.

 

 

Remarkable din sa amin ang mga pagganap nina Gelli de Belen at Ariel Rivera (bilang mga magulang ni Rey), Lotlot de Leon, Epy Quizon at Christopher de Leon.

 

 

Kasama rin sa movie na sina Ara Mina, Rico Barrera, Josh de Guzman, Jenine Desiderio, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Biboy Ramirez, Arman Reyes, Lloyd Samartino, Shira Tweg at Lou Veloso.

 

 

Bukod sa title ng movie at pinakasikat niyang awitin na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”, tampok din sa pelikulang magpapasaya at magpapaiyak ay ang “Kung Kailangan Mo Ako,” (na naalala namin hanggang ngayon dahil sa movie nina Vilma Santos at Edu Manzano na ‘Romansa’) “Pangako,” (ang kantang pinakamalaki ang kinita ni Rey dahil naging titulo ng pelikula at dalawang teleserye kaya napaayos ang kanyang bahay) “Mr. DJ,” (of course ang nagpasikat kay Megastar Sharon Cuneta), “Tayong Dalawa,” “Kumusta Ka,” “Kung Tayo’y Magkakalayo” (na pinagsisisihan ni Rey na kinompos dahil masyadong nakaapekto sa maraming tao) at ang isa sa gustung-gusto namin, ang hugot song din ni Rey ang “Malayo Pa Ang Umaga,” na matindi rin ang epekto at sobrang mahalaga kaya niya ito nagawa, kaya tama kung saan ito inilagay sa kabuuan ng pelikula.

 

 

Sa totoo lang, kulang ang sampung kanta na napasama sa pelikula, sa rami ng magagandang nilikha ng 68 year-old singer/composer at tv host. For sure may maghahanap ng “Hindi Kita Iiwan,” “Gabay Mo Ako,” “Ngayong Wala Ka Na,” at “Sinasamba Kita.”

 

 

Sigurado na uulitin namin ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)” sa April 8, dahil gusto ulit naming bumalik sa masasaya at malulungkot na nakaraan dahil sa mga awitin ni Rey Valera na kailan man ay hindi mabubura ilan mang henerasyon ang dumating o lumipas.

 

 

At sa rami ng mga awitin nilang nilikha na naging bahagi na ng mga buhay ng mga Pilipino, simula pa noong Dekada ’70, na hanggang ngayon ay patuloy na inaawit at nakaaantig ng mga puso, maging masaya man o malungkot.

 

 

Wish namin na mabigyan ng pagkakataon si Rey Valera na ma-nominate at mahirang bilang ‘National Artist for Music’ sa darating na panahon, dahil super deserving siya sa kanyang naiambag sa musika, telebisyon, mga pagtatangghal at pelikula.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Infected ng COVID sa buong mundo, 18.6-M na – reports

    Umaabot na sa 18,691,686 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.   Sa nasabing bilang, 6,013,637 (99%) ang nasa mild condition at 65,437 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.   Habang ang mga binawian ng buhay ay umakyat na sa 703,374.   Samantalang ang mga gumaling ay 11,909,238, matapos ang […]

  • Naloka nang mapanood na grabe ang ginawa: ZEINAB, feeling ‘Anne Curtis’ sa matinding lovescene nila ni DEREK

    “’YUNG scene po, medyo naloka ako! Kasi first time ko talagang… honest lang po, first time ko pong nakipag-kissing scene sa hindi ko po partner, first time po ‘yun,” ito ang naging pag-amin ni Zeinab Harake sa maiinit na lovescene nila ni Derek Ramsay sa horror movie na “(K)ampon”.   Matinding nerbiyos daw ang kanyang […]

  • Ads November 5, 2021