• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Masaya sa loveteam nila ni Francine: SETH, humble pa rin kahit isa na sa pinakasikat na young actor

NAKAAALIW ang kuwento ni Seth Fedelin sa pagkakakuha sa kanya bilang BNY ambassador.
Talagang kitang-kita namin sa kanya ang saya sa bagong blessing niya na ito.
At kuwento pa niya, “Kasi dati, nakikita ko lang ang BNY dahil lahat ng mall, may BNY. Tapos ang nanay ko, ‘yan talaga binibili sa amin.
“So ‘di ba, kaya sana forever na ko dito,” sabi pa niya.
Humble pa rin si Seth kahit ‘di maitatanggi na isa siya sa pinakasikat na young actor ngayon.
At masaya raw siya sa loveteam nila ni Francine Diaz. Nag-uusap nga raw sila at nae-excite sa marami pa nilang pwedeng gawin.
Open naman si Seth at alam niya na pwede silang maipareha sa iba, pero, sa ngayon daw, gusto raw niya na magtagal ang loveteam nilang talaga.
Siyempre, given na si Francine ang partner ni Seth sa Star Magical Prom sa March 30.
Nag-effort din siya na isurpresa ito ng promposal.
***
ANG promising naman pala ng baguhan at leading lady ni Carlo Aquino na si Eisel Serrano sa isa sa mga official entry para sa Summer Film Festival na “Love You Long Time.”
Na-meet namin si Eisel nang maging live guest ito sa aming podcast na Marites University.
Dito namin nalaman na 2019 nang mai-launch siya ng Star Magic at mismong si Mr. Johnny Manahan ang naka-discover sa kanya.
‘Yun nga lang, inabutan siya ng pandemic kaya masasabing naunsiyami ang sana, mga projects na niya. Kaya laking pasasalamat daw niya nang matuloy pa rin ang Love You Long Time. At thankful din siya kay Carlo na kahit alam nitong baguhan pa lang siya, pumayag na makapareha siya.
Graduate ng cumlaude sa U.S.T. si Eisel sa Travel Management course niya. At may hawig siya sa beauty ni Janine Gutierrez na ayon dito, napakarami na nga raw nagsabi sa kanya.
Ang nakakaaaliw, mismong si Mamita, ang Lola ni Janine nang makita raw siya, sinabi rin na kahawig niya ang apo.
Talent-wise, hindi lang acting, into painting at singing din si Eisel. Kaya, beauty, talent and brains. Wish namin na after this movie, mas mapansin at magtuloy-tuloy pa ang career niya.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • 5 hanggang 8 milyong Covid-19 vaccines darating ngayong linggo-Galvez

    INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng lima hanggang walong milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa ika-apat at huling linggo ng buwan ng Agosto.   Ito ang naging pagtataya ni vaccine czar at chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr.   Ani Galvez, inaasahan niyang […]

  • Pinas, nag-demand sa foreign contractor na isauli ang mahigit ₱1.04 billion na naibayad sa free internet access project

    NAG-DEMAND na ang Pilipinas sa foreign contractor na isauli ang $21.8 million o mahigit ₱1.04 billion na naibayad sa free internet access project.   Nabigo kasi ang service provider na Speedcast na maikabit ang mga Wi-Fi spots matapos ang apat na taon.   “Kaya po natin hinihingi ‘yung refund na ‘yan dahil hindi naman nila […]

  • “No vax, no ride” sisimulan sa Feb. 26 para sa mga essential workers

    ANG MGA walang bakuna at may isa (1) lamang na bakuna ay hindi na makasasakay sa mga pampublikong transportasyon simula sa Feb. 26 kahit na ang kanilang trabaho ay nasa kategoryang “essential workers” na siyang ipatutupad sa National Capital Region (NCR).     Ang nasabing desisyon ay pinagkasunduan nila Labor Secretary Silvestre Bello, Interior Secretary […]