Pagsasanib ng Landbank at DBP aprubado na kay PBBM
- Published on March 30, 2023
- by @peoplesbalita
APRUBADO kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP).
Ito’y sa harap ng nakikita ng pamahalaan na kailangang magtipid. Base sa assessment ng gobyerno ay aabot sa P5. 3 bilyong piso sa unang taon ang maisusubi at aabot naman sa P20 bilyong piso para sa unang apat na taon.
“Merger of DBP and LBP approved,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
“Yes, approved by PBBM,” dagdag na wika ni Diokno.
Sa Malacanang Press briefing, sinabi ng Kalihim na target nilang maipatupad ang merging bago matapos ang taon.
“By merging the two, it will now become the Number 1 bank n the Philippines aside from Benco De Oro (BDO) in terms of assets.”
Aminado naman ang Kalihim na may maapektuhang mga empleyado sa nasabing balakin subalit tiniyak naman nito na may separation package silang iaalok para sa mga maaapektuhan.
Ani Diokno, may 147 ang sangay ng DBP, nasa 22 na lamang ang pananatilihin nito habang wala namang nabanggit kung sa 752 branches ng Landbank of the Philippines ay ilan ang mare- retain.
Sa halip, ipakakalat pa aniya ng pamahalaan ang Landbank sa iba’t ibang Local Government sa bansa. (Daris Jose)
-
Kung exciting ang labanan sa pagka-Best Actor: CHARO, makikipagtunggali sa mga first timers sa Best Actress ng ‘Gawad Urian’
IPINAHAYAG na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 45th Gawad Urian. Ang mga nominado sa Best Picture ay Big Night, Ang Historya ni Ha, Kun Maupay Man It Panahon, On The Job: The Missing 8, at Walang Kasarian ang Digmang Bayan. For Best Director, magkakalaban sina Joselito Altarejos (Walang […]
-
Pagtatalaga ni PDu30 sa mga dating military officials sa cabinet posts, walang masama-Sec. Roque
WALANG masama kung magdesisyon man si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtalaga ng mga retiradong military officers sa Cabinet posts. Kung tutuusin ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay naipapakita ng mga ex-military officials ang kanilang disiplina sa gabinete. “Wala namang masama roon. Tignan mo naman si General Galvez, iyong discipline niya as […]
-
UAAP may bagong rules sa Season 87
Simula sa Season 87, ipatutupad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang bagong patakaran para sa mga student-athletes na nagnanais lumipat ng unibersidad. Pormal nang inihayag ni UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag ang pasya ng Board of Managing Directors sa press conference kahapon sa Novotel. Base sa bagong […]