• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WALA PANG COVID 19 VACCINE MANUFACTURER NA NAG-AAPLY NG EMERGENCY USE AUTHORIZATION SA PILIPINAS- FDA

HANGGANG ngayon ay wala pang COVID 19 vaccine manufacturer ang pormal na nag-a-apply ng Emergecy Use Authorization  o EUA sa Pilipinas.

 

Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Doctor Eric Domingo na bagama’t mayroon ng mga anti-COVID 19 vaccine na nabigyan ng EUA sa ibang bansa wala pang application sa FDA ng Pilipinas.

 

Sinabi ni  Domingo na  kabilang sa anti COVID 19 vaccine na mayroon ng EUA  sa United Kingdom, Bharain at China ay ang Pfizer ng Amerika, Sinovac at Sinopharm ng China.

 

Aniya, sa  sandaling magsumite ng EUA application ang Pfizer, Sinovac at Sinopharm ay agad itong aaksyunan ng FDA panel of expert.

 

Sa kabilang dako, nilinaw naman  ni Domingo na mapapadali ang evaluation ng FDA dahil nabigyan na ng EUA sa country of origin ang Pfizer, Sinovac at Sinopaharm na itinuturing na Matured Regulatory Agency at National Regulatory Authority.

 

Giit ni Domingo  na mahigpit na susundin ng FDA ang guidelines for issuance of Emergency Use Authorization na nakapaloob sa Executive Order 121 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ang aplikanteng vaccine manufacturer ay mayroong valid licence to operate, good manufacturing practice at mayroong safety and efficacy data. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Beach volleyball team ng bansa magsasanay sa Australia

    NAKATAKDANG magtungo sa Brisbane, Australia para magsanay ang beach volleyball teams ng bansa.     Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), binubuo ito ng 12 manlalaro kung saan anim na babae at anim na lalake.     Tatagal ng hanggang dalawang linggo ang nasabing training.     Sinabi naman ni PNVF president Ramon ‘Tats’ […]

  • Sotto hinihintay pa ng Gilas para makumpleto ang line up sa FIBA Asia Cup

    Hinihintay pa ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para makumpleto na ang 20-man FIBA Asia Cup.     Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio na si Sotto lamang ang hinhintay nila para makumpleto na ang line up sa sasabak sa FIBA Asia Cup sa darating na Agosto […]

  • US, nangako na tutulong sa oil spill cleanup drive-Galvez

    SINABI ni Defense chief Carlito Galvez  na nangako ang gobyerno ng  Estados Unidos na  tutulong sa  cleanup drive sa oil spill sa Oriental Mindoro.     Iniulat ni Galvez kay Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na nangako si  US Secretary of Defense Lloyd Austin  na magde-deploy ng naval units para  tumulong sa cleanup operation sa nasabing […]