• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30-minutong ‘heat stroke break’ ipapatupad ng MMDA

MAGPAPATUPAD  ng ‘heat stroke break’ na tatagal ng 30-minuto ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kanilang mga tauhan sa kalsada upang makapagpalamig at makaiwas sa posibleng heat stroke.

 

 

 

Pinirmahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang isang memorandum circular upang muling ipatupad ang heat stroke break para protektahan ang kanilang mga tauhan partikular ang mga nagtatrabaho sa ‘field’ laban sa mga sakit na idudulot ng matinding init ngayong summer.

 

 

 

Nakasaad sa memorandum na uumpisahan ang heat stroke break sa Abril 1 at tatagal hanggang Mayo 31 kung kailan inaasahan na mas titindi pa ang init sa bansa lalo na sa Metro Manila.

 

 

 

“This move is part of the agency’s efforts to prevent heat-related illness among our outdoor workers who brave the searing heat every day to fulfill their duties and responsibilities. Their safety is of paramount importance,” ayon kay Artes.

 

 

 

Sa ilalim ng polisiya, maaaring umalis ng kanilang posts ang mga traffic enforcers at street sweepers ng 30 minuto para sumilong at uminom ng tubig para lumamig ang kanilang katawan bago muling sumabak sa trabaho sa gitna ng init.

 

 

 

Tiniyak naman ng opisyal na palagi pa ring may tauhan nila na magbabantay sa mga kalsada dahil sa magiging ‘rotational’ ang implementasyon nito.

Other News
  • NCAP pinahinto ng Supreme Court (SC)

    EN BANC ang pagpapatupad ng no-contact apprehension   policy   (NCAP)   na   ginagawa   ng   Metropolitan   Manila   Development  Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa Metro Manila.     Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na inihain ng magkakahiwalay laban sa pagpapatupad ng NCAP.     “It issued the […]

  • PDu30, gustong palitan ni Roque si Gordon sa Senado

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ni dating presidential spokesperson at senatorial bet Harry Roque si reelectionist senator at Philippine Red Cross (PRC) chairperson Richard Gordon sa Senado.     “I think you should really be in the Senate…Dapat ‘yan kagaya nila Gordon, palitan mo na ‘yan,” ang tinuran ni Pangulong Duterte kay […]

  • NBI pinakikilos vs international fraud syndicate na nambibiktima ng OFWs

    KINALAMPAG  ng isang consumer group ang National Bureau of Investigation (NBI) para maaksyunan ang pambibiktima ng mga internasyunal na sindikato sa bank fraud na bumibiktima ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maging mga lokal na empleyado sa bansa. Ayon sa Action for Consumerism and Transparency in Nation Building (ACTNB), target umano ng sindikato na […]