• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabalik sa Abril-Mayo ng summer vacation, mas akma sa klima ng Pinas

MAS MAKABUBUTI sa mga estudyante at guro kung ibabalik ng Abril hanggang Mayo ang summer vacation dala na rin ng sobrang init ng panahon.

 

 

Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, sa sobrang taas ng heat index ngayong panahon ng climate change ay hindi umano ligtas para sa mga guro at estudyante ang magklase sa mga malapugon nilang mga classroom.

 

 

Inihalimbawa ng mambabatas ang naganap na insidente sa isang public school sa Laguna kung saan ilang bata ang mga nahimatay matapos na hindi kinaya ang init sa panahon.

 

 

“Halatang hindi inaral mabuti batay sa kondisyon ng Pilipinas as a climate vulnerable country ang paglipat ng school calendar. Para lang makasabay sa globalized trend , academic calendar shift agad agad. Poor planning talaga at ang kawawa na naman ay ang mga estudyante at mga guro,” ani Castro.

 

 

Ang panawagan ng mambabatas ay kasunod na rin sa lumabas na survey na ginawa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines kung saan lumitaw ang matinding pagdurusa ng mga guro at estudyante sa loob ng classrooms tuwing tag-init.

 

 

Sa naturang survey, nasa 87% ng 11,706 public school teachers sa buong bansa na ginawa nitong March 24-27, 2023 ang nagsabing hindi makapag- focus ang mga estudyante sa pag-aaral dala na rin sa tindi ng init sa loob ng silid-paaralan.

 

 

Nasa 37% ang nagpahayag na naapektuhan ng sobrang init ang medical conditions ng mga guro at mag-aaral habang napansin ng 40% ng respondents ang pagtaas ng bilang ng pagliban ng mga estudyante sa klase nang magsimula na ang buwan ng tag-init.

 

 

Kabilang sa mga sakit na nararamdaman ng mga ito ay sakit ng ulo, pagkahilo, nosebleeding, at iba pang health issues.

 

 

Una nang nanawagan ang grupo sa Department of Education na agad tugunan ang nasabing isyu at maglaan ng solusyon para sa kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante at guro.

 

 

Ilan sa panukalang solusyon ng mga guro ay ang paglalagay ng air conditioners sa classrooms, pagbabago sa class schedules upang maiwasan ang pinakamainit na oras sa umaga at pagpapatupad ng blended learning tulad ng pagsasagawa ng face-to-face classes sa umaga at distance learning modalities sa bahay.

 

 

Dagdag pa ang pagbabalik sa dating school calendar bago ang pre-pandemic schedule kung saan ang bakasyon ay ginagawa tuwing summer months. (Daris Jose)

Other News
  • Big man Davis binitbit ang Lakers sa big win vs Suns

    Binitbit ng big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis ang koponan upang itala ang big win laban sa top team na Phoenix Suns, 123-110.     Nagposte ng season high na 42 points at 12 rebounds si Davis upang manatili ang kanilang pag-asa na umabot sa NBA playoffs.     Gayunman kailangang […]

  • James Wan Shares ‘The Nun 2’ BTS Photo Confirming Another Original Character’s Return

    AS filming finally kicks off on the long-awaited sequel, James Wan has shared a new The Nun 2 behind-the-scenes photo confirming another original character’s return.     A follow-up to 2018’s hit Conjuring spinoff, the 2023 horror movie sequel will again follow Taissa Farmiga’s Sister Irene as she is called upon to investigate the murder […]

  • New look ni SARAH na naka-pixie cut, nag-viral sa social media; second time pa lang nagpagupit ng maiksi

    NAG-VIRAL sa social media ang new look ni Sarah Geronimo.     Naka-pixie cut si Sarah at kinumpirma ng kanyang hair stylist na si RJ dela Cruz na hindi iyon wig kundi buhok talaga ng misis ni Matteo Guidicelli.     Unang nakita ang short hairstyle ni Sarah sa 5th anniversary virtual event ng Landers […]