• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Papal Nuncio, umapela ng dasal sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis

UMAPELA  ng dasal si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis.

 

 

Una ng isinugod sa ospital ang 86 anyos na Santo Papa sa Roma dahil sa respiratory infection.

 

 

Nanawagan ang Papal Nuncio sa mga Pilipino na isama sa kanilang dasal ngayong holy week ang magandang kalusugan at mabilis na paggaling ni Pope Francis.

 

 

Una ng naglabas ng statement si Holy See Press Office director Matteo Bruni nitong hapon ng Miyerkules oras sa Roma na isinugod ang Santo Papa sa Gemelli hospital matapos na makaranas ng hirap sa paghinga sa nakalipas na mga araw.

 

 

Nilinaw naman ng Vatican na hindi ito dahil sa covid-19 kundi base sa resulta ay lumalabas na nagkaroon ng respiratory infection ang Santo Papa na nangangailangan ng ilang araw na angkop na hospital medical treatment.

Other News
  • TRUCK HELPER BINARETA SA LEEG NG KA-TRABAHO

    MALUBHANG nasugatan ang 28-anyos na truck helper matapos tarakan ng bareta sa leeg ng kapwa truck helper nang mapuno na umano ang suspek sa pambu-bully sa kanya ng biktima sa Malabon City.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Christian Borja, alyas “Ogag”, tubong Buhi, Camarines Sur. […]

  • “Halloween Ends” Brings Back Jamie Lee Curtis In Her Iconic Role

    AFTER 44 years, the most acclaimed, revered horror franchise in film history reaches its epic, terrifying conclusion in “Halloween Ends” – an Ayala Malls Cinemas exclusive starting October 12.     “Halloween Ends” brings back Jamie Lee Curtis in her iconic role as Laurie Strode as she faces off for the last time against the […]

  • Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

    SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.     Ito’y […]