• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pringle lider sa BPC

NAMUMUNO sa Best Player of the Conference (BPC) si Stanley Wayne Pringle Jr. ng bagong koronang hari sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble na Barangay Ginebra San Miguel sa Angeles, Pampanga.

 

Magkakaroon ang propesyonal na liga ng special awards ceremony na aprubado na ng PBA board sa darating na Enero 2021 upang bigyang pagkilala ang top player sa isang komperensya lang sa taong ito dahil sa Covid-19.

 

Pararangalan din sa All-Filipino tourney bukod sa BPC, ang mga magiging na Outstanding Rookie, Most Improved Player, Sportsmanship Award at Special Team Awards.

 

Mga katunggali Pringle para sa top individual award  sina Bobby Ray Parks Jr. ng TNT, Matthew Wright at Calvin Abueva ng kjapuwa ng Phoenix Super LPG, Christian Jaymar Perez ng Terrafirma, at Christian Standhardinger ng NorthPort.

 

Magkakalaban naman para sa Outstanding Rookie award sina Meralco guard Aaron Black, Roosevelt Adams ng Blackwater at Arvin Tolentino ng Ginebra. (REC)

Other News
  • Ads May 13, 2024

  • Crackdown sa ‘anti-colorum campaign’, tagumpay – DOTr

    INANUNSYO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay ang isinagawa nilang crackdown laban sa mga illegal na sasakyan alinsunod sa kanilang anti-colorum campaign.     Ayon sa DOTr, sa loob lamang ng isang linggo, o mula sa Disyembre 1 hanggang Dis­yembre 9, 2023, nakaaresto ang SAICT […]

  • Quick response ng gobyerno, nakahanda na

    “All hands are on deck in government’s quick response as Typhoon Odette made landfall this afternoon.”   Ito ang tiniyak ni acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles.   “As of December 16, 2021,” alas-2 ng hapon nang itaas ng weather forecasters ang Tropical Cyclone Warning Signal # 4 sa Southern Leyte, southwestern portion ng […]