• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapagaling na matapos maoperahan: GARDO, inatake sa puso dahil sa matinding physical activities

DINALA sa ospital noong nakaraang linggo ang aktor na si Gardo Versoza matapos na atakihin sa puso.

 

 

Ayon sa misis ng aktor na si Ivy Vicencio, nanakit ang likod ng aktor, pero ayaw pang magpadala sa ospital noong una dahil may taping pa kinabukasan.
Kalaunan, nakumbinsi ni Ivy si Gardo na magpaospital, kaya dinala si Gardo sa Cardinal Santos Hospital.

 

 

Dito, natuklasang dalawang ugat sa puso ni Gardo ang barado, kaya sumailalim siya sa angioplasty. Kasalukuyang nagpapagaling si Gardo sa ICU.

 

 

Bago ito nangyari, may mga nagpapaalala na kay Gardo na maghinay sa physical activities dahil marami na siyang nararamdaman sa katawan.

 

Nagbisikleta si Gardo mula Pasig hanggang Tarlac ng siyam na oras dalawang linggo ang nakararaan. Noon namang nakaraang buwan, nagbisikleta naman si Gardo mula Maynila hanggang Laguna.

 

Nag-post naman si Gardo sa Instagram ng larawan niya habang nasa ospital kasama ang kaniyang maybahay.

 

 

“Thanks for everything shugs i love you [prayer, heart emojis] thank you LORD thank you doctors #heartattack,” caption ni Gardo sa larawan.

 

 

***

 

 

NAKAGUGULAT ang kuwento ni Coco Martin tungkol sa pagsisimula niya sa telebisyon.

 

Noong mga panahong ginawa niya ang mga sexy indie films na ‘Masahista’ at ‘Serbis’ ay nakakaranas raw siya ng rejection dahil isa siyang “bold actor.”

 

Una raw ay sa isang soap opera ng ABS na sana ay ka-love triangle siya nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, may inquiry na sa manager niyang si Brillante Mendoza para kunin sana siya sa show pero makalipas ang ilang araw ay nalaman niyang hindi siya natanggap dahil isa siyang bold actor.

 

 

Sumunod, sana ay gaganap siyang bading na bestfriend ni Judy Ann Santos sa isang pang soap opera; nguni’t ganoon rin ang nangyari, makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ng tawag si Brillante upang sabihin na hindi nakapasa si Coco dahil isa itong bold actor.

 

 

Pero ngayon, si Coco na ang Hari ng ABS-CBN kung saan maraming taong umere ang hit serye niyang ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’.

 

 

Samantala, maganda ang kuwento at twist ng ‘Apag’, masarap sa mata ang sinematograpiya at kagulat-gulat ang ending.

 

 

Nasa Apag sina Coco, Shaina, Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Lito Lapid, Mercedes Cabral, Vince Rillon, Ronwaldo Martin, Julio Diaz at Ms. Gina Pareño.

 

 

Entry ito sa unang Summer Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa mga sinehan simula April 8.

 

 

Mula ito sa Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society at kay Brillante rin na co-producer ng pelikula.

 

 

***

 

 

Ang ‘Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke’ ay tungkol sa sumpa, karma, suwerte at kamalasan kaya tinanong namin si Barbie Forteza kung naniniwala ba siya sa sumpa.

 

“Naniniwala ba ako sa sumpa? Sa sumpa siguro hindi. Pero sa suwerte at malas, sa karma? Oo.

 

 

“Pero sumpa not really,” sagot ni Barbie.

 

 

Tinanong naman namin si Barbie, bilang sariwa pa rin sa alaala ng marami ang phenomenal hit nilang ‘Maria Clara At Ibarra’, kung ano ang greatest o best lesson learned niya mula sa paggawa ng nabanggit na serye kung saan gumanap siya bilang pangunahing tauhang babae na si Klay.

 

 

“Na siguro as Klay na lang po, kahit na ano’ng course ang kinuha mo sa college o kahit anumang pinagdadaanan mo sa buhay bilang isang tao, importante pa rin na balikan ang history kasi doon babalik yung pagiging makabayan mo.

 

 

“Doon babalik yung pagmamahal mo sa bayan mo.

 

 

“So kailangan talaga, you have to know your roots and kung papaano talaga ipinaglaban ng mga kalahi natin itong bansa natin para mas mahalin natin siya,” sagot sa amin ni Barbie.

 

 

Finale na ng Lady & Luke sa GMA ngayong Linggo, April 2 alas sais ng gabi. Mula ito sa direksyon ni Rico Gutierrez.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Imbestigasyon kaugnay sa vote-buying complaints, gagawing priority ng DOJ

    INIHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ay magbibigay ng “preferential attention” sa mga reklamong may kinalaman sa vote-buying upang ang mga kaso ay mabigyan ng mabilis na resolusyon.     Aniya, ito ay sa loob lamang ng limitadong panahon kung saan “panahon lamang […]

  • Pagprotekta sa Sierra Madre, dapat isama sa disaster mitigation plan ng gobyerno

    HINIMOK ni Atty. Benjamin Abalos Jr. ang pamahalaang nasyonal na isama ang proteksyon sa bulubundukin ng Sierra Madre sa disaster mitigation plan nito, lalo na sa harap ng mas malalakas na bagyong tumatama sa bansa.     Ang Sierra Madre, ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas ay nagsisilbing mahalagang natural na harang na nagpoprotekta sa milyon-milyong […]

  • Dating kasagupa ni Pacman na si Broner kulong sa US

    NAKAKULONG ngayon ang dating kasagupa ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao na si dating four-division world boxing champion Adrien Broner matapos itong hatulan ng korte sa kasong contempt.   Ayon sa ulat, nabigo si Broner na bayaran ang mahigit $800,000 sa isang babae na kanyang sinaktan sa isang nightclub noong 2018.   Sinabi ni Judge […]