• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga paliparan, pantalan at terminal sa Metro Manila ininspeksiyon ng NCRPO

PERSONAL na ininspeksyon nitong Linggo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Edgar Alan Okubo ang mga paliparan, daungan at terminal sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na mag-uuwian para sa Semana Santa.
Inalam ni Okubo ang sitwasyon sa seguridad sa NAIA T3, Five Star Bus Liner, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), DLTB Bus Terminal, Philippine Ports Authority (Asian Terminal Inc. at Manila North Port), at Victory Liner sa EDSA.
Sa nasabing inspeksyon, muling iginiit ni Okubo ang kanyang gabay sa mga pulis na manatiling alerto at mapagbantay habang tinitiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga commuter.
Tiniyak din ng NCRPO na mahigpit na sinusunod at binabantayan ang police visibility at mga naitatag na Police Assistance Desks (PADs).
Dahil sa kaligtasan ng lahat ang prayoridad, bukod sa kahandaan ng mga pulis, pinaalalahanan din ng NCRPO Regional Director ang mga pasahero sa ilang safety measures at higit na sinuri ang kalagayan ng mga driver.
Hiling ni Okubo ang kooperasyon ng publiko na i-report sa mga awtoridad ng pulisya ang sinumang kahina-hinalang tao sa kanilang lugar sa pamamagitan ng NCRPO Text Hotline numbers 0915-888-8181 at 0999-901-8181. (Daris Jose)
Other News
  • Mga NBA players posibleng payagan ng magsuot ng mga ‘statement’ jerseys

    Posibleng payagan na ang ilang NBA players na magsuot ng mga uniporme na may nakakargang slogan na sumusuporta sa social justice o charities imbes ang kanilang mga pangalan kapag nagsimula na ang liga.   Nagsasagawa na ng pag-uusap sina Oklahoma City Thunder guard Chris Paul ang pangulo ng National Basketball Players Association at ang mga […]

  • VP Sara inakusahan ng ‘cover up’ sa P500 milyong confidential funds sa OVP

    INAKUSAHAN ang umano’y pag-cover up ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan nang pagpigil sa mga malalapit niyang tauhan na sinasabing sangkot sa maling paggamit ng P500 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) na dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso.   Ipinahayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chair ng […]

  • Ilang hospitals sa MM, treatment facilities naghahanda na sa COVID-19 ‘case surge’

    Handa na ang mga ospital at treatment facilities sa bansa sa harap ng inaasahang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng mga aktibidad ngayong panahon ng kapaskuhan.   Sa ngayon mababa pa rin ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa ilang ospital sa Metro Manila.   Ang Philippine General Hospital […]