Romualdez, may paalala sa PNP at PCG ngayong Semana Santa
- Published on April 4, 2023
- by @peoplesbalita
“GAMPANAN ng mabuti ang inyong mga trabaho ngayong Semana Santa para iwas sa sakuna ang taumbayan.”
Ito ang paalala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga otoridad tulad ng mga pulis at coast guard personnel ngayong long weekend dahil sa Holy Week.
Aniya, “napapansin ko kasi na tuwing may mahabang bakasyon hindi maiwasan ang mga aksidente sa lansangan at sa ating karagatan.”
“Paalala natin na masusing iniinspeksyon ng mga pulis ang mga public transport bago umalis ng terminal to check if safe ito bumiyahe,” ayon kay Speaker Romualdez.
“Ang ating coast guard personnel naman dapat tiyakin na hindi overloaded ang mga sasakyang pantubig at dapat may mga life vests,” dagdag pa ng mambabatas.
“Accidents can be prevented kung uunahan ng mga maintenance at inspeksyon,” dagdag ni Romualdez.
“Dapat wala na o mabawasan ang mga sakuna pag ganitong panahon dahil we have this long Semana Santa break every year,” pahabol ni Romualdez. (Daris Jose)
Other News
-
Ads October 13, 2022
-
Gold target ni Mojdeh sa Thailand
MAMANDUHAN ni Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ang ratsada ng national junior swimming team sa 46th Southeast Asian Age Group Championships na tatakbo mula Disyembre 6 hanggang 8 sa Bangkok, Thailand. Sariwa pa si Mojdeh sa matagumpay na kampanya sa 2024 World Aquatics Swimming World Cup na ginanap sa […]
-
Pagulayan kampeon sa Illinois
MULING inilabas ni dating world champion Alex “The Lion” Pagulayan ang matatalim na pangil nito upang pagharian ang 10-Ball at One Pocket events ng 2020 Aramith/Simonis Pro Classic Championship sa West Peoria, Illinois. Naitakas ni Pagulayan ang gitgitang 14-13 panalo laban sa kababayan nitong si Dennis Orcollo sa championship round upang makuha ang korona […]