Nawala ang pandinig at lumabo rin ang paningin: LANI, inamin na kinuwestiyon ang Diyos sa nangyari sa kanilang mag-asawa
- Published on April 6, 2023
- by @peoplesbalita
BONGGA talaga ang ‘Fast Talk With Boy Abund’a dahil nagawa ni Kuya Boy na pagkuwentuhin si Lani Misalucha tungkol sa pinagdaanan nitong sakit.
Noong 2020 ay nagkasakit si Lani at ang mister niyang si Noli ng bacterial meningitis na naging sanhi ng pagkawala ng pandinig ng Asia’s Nightingale.
“Ang bacterial meningitis ay hindi biro, maaring mag-cost ito ng iyong buhay kapag hindi naagapan,” pagbabahagi ni Lani kay Kuya Boy.
Bukod sa pagkawala ng kanilang pandinig ay lumabo rin ang kanilang paningin.
“So, you can imagine for a singer like me, mawawalan ng pandinig eh parang napakahirap nun, ‘di ba?”
Hindi biro ang pinagdaanan nilang gamutan ni Noli, ayon pa rin kay Noli.
“Pinatay nila ‘yung bacteria through medicine and all that, and then binigyan kami ng steriods para bumaba yung swelling sa brain namin.”
Ang pagkakaroon niya ng bacterial mengingitis ayon pa rin kay Lani, ay nagdulot ng dagok sa kanyang buhay lalo na sa pagiging singer niya.
“Napaka-terible ng pakiramdam na, paano ako kakanta na yung sarili kong boses hindi ko na naririnig?”
“Noong kumanta na nga ako doon sa Chrismas concert ng The Clash (noong 2020), hindi ko alam na sintunado pala ako, na hindi ko na-hit yung notes ko.
“Lahat ng naririnig ko sintunado, and I even told myself after singing na kung ganito rin lang, bakit pa ako kakanta? Sinong audience ang gustong makarinig ng sintunado?”
Inamin ni Lani na umabot siya sa punto na kinuwestiyon niya ang Diyos kung bakit nangyari ito sa kanila.
“Siyempre, hindi mo maiiwasan in the beginning na, ‘Bakit naman ganun, singer ako eh?’
“Ito lang yung binigay sa akin ng Panginoong Diyos na gift, mawawala pa.”
Hindi pa tuluyang gumagaling pero ayon kay Lani…
“We’ve gotten used to the situation.”
“It doesn’t really matter if my hearing is going to come back. It doesn’t matter anymore because this was given to me, makaka-complain pa ba ako?
“There are just a lot of other amazing and beautiful things happening in our life, bakit pa ako magko-complain?”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
VICE, tahasang sinabi na mga ‘ganid’ at ‘masasamang loob’ ang nasa likod ng pagpapasara ng network
MARAMI sa mga Kapamilya stars, mga taga-news at mga empleyado ng ABS-CBN ang nag-post sa kanilang social media noong May 5. Isang taong anibersaryo na kasi simula nang tanggalan ng free TV ang network at hindi i-renew ang prangkisa. Libo-libo ang nawalan ng trabaho habang ang iba ay piniling magpatuloy at ang mga shows […]
-
2 kelot arestado sa baril sa Caloocan
KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City. Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng […]
-
City bus humihingi ng fare hike
MAY grupo ng mga city bus companies ang naghain ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang humingi ng fare hike dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo. Ang Mega Manila Consortium na naghain ng petisyon sa LTFRB ay humihingi ng provisional na P7 na taas ng […]