• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI tiklo sa P120K Marijuana sa Valenzuela

ISANG tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Carlo Mendoza alyas “Kalbo”, 28 ng No. 4706 Cipriano Street, Brgy. Gen T De Leon.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-2:20 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCpt Joel Madregalejo ang buy bust operation sa Francisco St., Fortune 1, Brgy. Gen T De Leon, matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta ng marijuana ang suspek.

 

 

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng marijuana ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang 7-pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng aabot 1000 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na nasa P120,000.00 ang halaga, buy bust money, P1,000 recovered money at cellphone.

 

 

Pinuri naman ni BGen Peñones ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 4 ginto sinikwat ni Ramos

    APAT  na gold, isang silver at isang bronze medal ang inangkin ni Rose Jean Ramos sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.     Dinomina ng 17-anyos na si Ramos ang labanan sa snatch (70 kgs), clean and jerk (83 kgs) at total lift (153 kgs) sa women’s 45-kilogram youth division (13-17 […]

  • Ads October 2, 2023

  • Ads December 29, 2020