• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, hinikayat ang US, China na ‘i-manage ang rivalry’ sa gitna ng umiigting na tensyon sa Taiwan

HINIKAYAT ng Pilipinas ang Estados Unidos at China na “manage their strategic rivalry with dialogue” and “sincere engagement” sa gitna ng tumitinding tensyon sa Taiwan.

 

 

Sa naging talumpati ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa  idinaos na Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum sa Washington D.C., Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, sinabi nito na  “the present and future relationship between the United States and China is a defining feature of this regional ecosystem.”

 

 

“As responsible powers, each with a stake in the region’s long term peace and security, Washington and Beijing need to manage their strategic rivalry with dialogue, transparent and sincere engagement where possible,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa ulat, naglunsad ang Beijing  ng military drills sa paligid ng  Taiwan,  isang araw matapos na bumalik si  President Tsai Ing-wen mula sa kanyang 10-day visit sa  Central America at Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US House Speaker Kevin McCarthy.

 

 

Makailang ulit namang nagbabala ang China ukol sa naging pulong ni Tsai kay McCarthy at nagbanta na gagawa ng  “strong and resolute measures if it proceeded.”

 

 

Inilarawan naman ng Beijing ang military drills  bilang  “a serious warning against the Taiwan separatist forces’ collusion with external forces, and a necessary move to defend national sovereignty and territorial integrity.”

 

 

Sinabi ni Manalo na ang anumang uri ng pagpapataas sa tensyon o military conflict ay mayroong masamang epekto sa rehiyon, lalo na sa Pilipinas dahil sa “proximity” o lapit ng bansa.

 

 

At sa tanong kung ang bagong  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pilipinas ay maituturing na “house equipment” na maaaring gamitin ng  US kapag ang tensyon sa Taiwan ay tumindi, sinabi ni Manalo na “discussions are still underway.”

 

 

“It will all depend on how discussions go on the type of activities and the terms of references of those activities within any of those sites,” aniya pa rin.

 

 

Nauna nang nagbabala ang China hinggil sa posibleng panganib ng pinalawig na military cooperation sa regional peace and stability, “drag the Philippines into the abyss of geopolitical strife and damage its economic development.”

 

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang EDCA sites ay hindi gagamitin para sa offensive operations.  (Daris Jose)

Other News
  • Venus Williams wagi sa unang round ng Wimbledon

    Naitala ni US tennis star Venus Williams ang kaniyang ika-90 Grand Slam appearance ng magwagi ito sa unang round ng Wimbledon.     Tinalo kasi ng 41-anyos na si Williams ang pambato ng Romania na si Mihaela Buzarnescu sa score na 7-5 at 4-6.     Unang naglaro ang 41-anyos na si Williams sa Wimbledon […]

  • KYLIE, bigay-todo at hahangaan sa ‘The Housemaid’; happy sa pagiging supportive ni JAKE

    NGAYONG ika-10 ng Setyembre, kakaibang Kylie Verzosa ang mapapanood sa The Housemaid, ang erotic thriller mula sa Viva Films, dahil ilalabas nito ang pagiging inosente, mapusok, kalmado at palaban.     Si Miss International 2016 ay gumaganap bilang Daisy, kinuhang taga-pangalaga ng isang batang si Nami (Elia Ilano), anak ng bilyonaryong si William (Albert Martinez), […]

  • MAG-DYOWA, INARESTO NG NBI MATAPOS ANG REINVESTIGATION

    DINAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang mag-live-in partner dahil sa kasong Robbery with Homicide.     Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Julie Ann Navarro y Englis at Rovelyn Canete y Dayanan sa kahilingan ng panibagong imbestigasyon ni Telesforo P. Hernando kaugnay sa pagkamatay ng kanyang kapatid […]