• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos, Duterte nakakuha ng majority approval, trust ratings sa pinakabagong Pulse Asia survey

KAPWA nakakuha sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte  ng  majority approval at trust ratings para sa buwan ng Marso, base sa makikitang resulta ng Pulse Asia survey.

 

 

Makikita sa resulta ng survey na si Pangulong Marcos ay nakakuha ng  approval rating na 78% habang si  Duterte naman ay  mayroong 83%.

 

 

“Majority approval scores are enjoyed by the President and the Vice-President in all geographic areas and socio-economic groupings,” ayon sa Pulse Asia.

 

 

Ang rating ng mga ito ay  “virtually unchanged” sa pagitan ng  Nobyembre 2022 at Marso 2023.

 

 

Sina Pangulong Marcos at Duterte ay kapuwa “trusted by most of the country’s adult population,” ang wika ng Pulse Asia.

 

 

Nakakuha naman si Pangulong Marcos  ng trust rating na 80% habang si  Duterte naman ay  nakakuha ng 85%.

 

 

Samantala, tabla naman sina  Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez sa kanilang nakuhang  approval ratings dahil kapuwa nakakuha ang mga ito ng 51%.

 

 

Bahagya namang nagkaiba ang mga ito sa kanilang trust ratings  dahil si Zubiri  ay nakakuha ng 48% habang si Romualdez  naman ay nakakuha ng 44%.

 

 

Sa kabilang dako, kabilang naman sa  top national officials ng bansa gaya ni  Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang nakakuha ng mababang approval rating, 43%  at trust ratings na 39%.

 

 

“The  public assessment of the administration’s performance was “generally positive,” with very few changes recorded between the March survey and the previous poll it held last November,” ayon sa Pulse Asia.

 

 

Ang tatlo namang “most urgent issues” na kailangang tugunan ng pamahalaan ay ang pagkontrol sa inflation (60%), umento sa sahod  para sa mga manggagawa (44%), at paglikha ng mas marami pang hanapbuhay (30%).

 

 

Makikita pa rin sa resulta ng survey na  52% ng mga  Filipino ang  disapproved o ayaw sa performance ng gobyerno pagdating sa inflation. Subalit mayorya naman ng respondents ang aprubado ang performance ng pamahalaan sa pagtugon sa ibang national issue gaya ng calamity response at pagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga migrant workers.

 

 

Samantala, ang Pulse Asia survey ay isinagawa sa pagitan ng Marso 15 at 19,  gamit ang in-person interviews sa 1,200 adults na may edad na 18 pataas sa iba’t ibang lugar sa Kalakhang Maynila, Luzon, Visayas, Mindanao. Mayroon itong ± 2.8 percent error margin.

 

 

Ilan naman sa key developments na nangyari  nang gawin ang survey ay ang pananambang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, pag-apruba ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa batas na nananawagan para sa isang convention para amiyendahan ang 1987 Constitution, ang Mindoro oil spill, at ang pangalanan ang  4  na karagdagang military bases na maaaring gamitin ng Estados Unidos  sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).  (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 28, 2022

  • Iniisip na karelasyon na ng aktres si Paulo: Pag-follow ni LJ kay KIM, ikinatuwa ng mga tagahanga ng KimPau

    IKINATUWA ng mga tagahanga ng KimPau ang pag-follow ni LJ Reyes sa instagram ni Kim Chiu.     Para kasi sa kanila ay parang pahiwatig daw ‘yun may sort of basbas ‘yun mula mismo sa dating karelasyon ni Paulo Avelino.     Lalo raw kinilig ang nga fans sa ginawang yun ni LJ.     […]

  • Peralta, itinalaga ni PBBM bilang PNP OIC

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagreretiro ni Gen. Benjamin Acorda Jr.     “In the exigency of the service, and to ensure the continuous and effective delivery of service, please be informed that Police Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta […]