• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napi-pressure sa pagiging first endorser ng ‘Hey Pretty Skin’: BEAUTY, hihirit pa nang another five years bago mag-retire

ANG versatile actress na si Beauty Gonzalez ang newest face and first ever celebrity endorser ng Hey Pretty Skin.

 

Ang grand welcome at pagpapakilala sa kanya ay ginanap sa Crowne Plaza Hotel. Pinangunahan ito ng CEO ng Hey Pretty Skin na si Anne Barretto.

 

Ayon sa magandang businesswoman, “we would like to welcome Ms. Beauty Gonzalez to the Hey Pretty Skin family. Very excited kaming lahat na makatrabaho siya at napakasaya namin na pinaunlakan niya po ang imbitasyon namin na maging kauna-unahang celebrity endorser.”

 

Malaki naman ang pasasalamat ng Kapuso actress sa tiwalang binigay sa kanya.

 

“I am very thankful for the trust they have given me. Isang taon pa lang ang Hey Pretty Skin sa market and for them to pick me as their first celebrity endorser is really a big deal.”

 

Pag-amin pa ni Beauty, “medyo may pressure, I admit, but I trust Ms. Anne, her vision, and most importantly, I believe in her products and how it can really help people achieve better glowing skin and feel good inside.”

 

Si Beauty nga ang first choice ni Anne na maging endorser, dahil healthy and glowing ang aktres, inside and out.

 

Kuwento pa ni Anne, “Iba kasi ang confidence na naibibigay na glowing at alaga ang inyong skin. We believe, Beauty is an embodiment of that.

 

“She has flawless skin, she is beautiful, and she lives her best life.”

 

Ini-endorse ng newest leading lady ni Sen. Bong Revilla para sa upcoming sitcom ng GMA Network, ang iba’t-ibang produkto tulad ng top selling na Neoglow Se at Kojieko soap, Prestige Glow Set, Tinted Sunscreen, Happy Lift Serum, Facial Foam Cleanser, at Angel White Body Scrub.

 

Samantala, natanong si Beauty kung itutuloy pa ba niya ang pagre-retire sa showbiz after five years.

 

Tawang-tawa ang aktres tungkol sa nauna niyang nasabi sa isang presscon sa early retirement niya.

 

Pag-amin niya, “well, I was wrong at that time, people make mistakes.

 

Tawang-tawa rin daw ang asawa niyang si Norman Crisologo, “sinabihan ako ng asawa ko, nakakatawa ka, five years ha. Now, you have a sitcom coming, may ganito ka coming. You maybe leave abroad for a movie.

 

“So, are you sure? Kaya sabi ko, another five years. Sabi niya, ‘baby, alam mo pag may tawad, may kapalit ‘yun’. Pag humihingi ako, may kapalit ‘yun, pero secret na lang kung ano ‘yun.”

 

Pinangangatawan naman ni Beauty na okay na siya sa isang anak. Gusto raw niyang mag-travel at mag-enjoy, kasama ang nag-iisang anak.

 

“Okay na ‘yun isa, he has a lot of kids, okay na kaming dalawa.

 

“I want to travel also. Experience my life, and relax, and at this time, I want to fill up my cup.”

 

Nabibili ang Hey Pretty Skin products sa heyprettyskin.com, Shoppee, Lazada, at sa Rising Era Dynasty branches located at Metro Manila, General Santos City, Ozamis City, at Hong Kong, sa pangunguna ng president at CEO na si Red Era.

 

Para naman sa mga interested maging resellers, mag-send lang ng private message sa kanilang Facebook page na Hey Pretty Skin Official.

Other News
  • Kelot pinagbabaril sa Navotas, sugatan

    SUGATAN ang isang 26-anyos na lalaki matapos pagbabrilin ng dalawang salarin habang naglalakad ang biktima pauwi sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Isinugod sa Tondo Hospital para magamot ang tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang hita ang biktimang si Jeffrey Antonio, 26 ng 269 Roldan St., Brgy. Tangos Navotas South. […]

  • Barcena kampeon sa WVMC half-marathon

    NAGBIDA ang beterana ng  2019 Berlin Marathon na si Nhea Ann Barcena sa kampanya ng mga pambato ng National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines (NMSAAP) Team na akreditado ng Philippine Athletics Track and Field  Association (PATAFA), sa kakaarangkada lang na 1st Worldwide Virtual Masters Challenge (WVMC) 2020.   Pinamayagpagang 38-anyos, may taas […]

  • 12-point program para sa Agrikultura, isinuwestiyon kay Pangulong BBM

    IPRINISINTA ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kanilang 12-point program para sa agriculture sector na maaaring ipatupad sa unang 100 araw ni Pangulong Bongbong Marcos.     Ang pagsiguro sa agricultural land para sa food production ay isa sa dapat unahin ng bagong administrasyon.     Hinikayat ng grupo ang pangulo na magpalabas […]