• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos kay Azurin, CCTV footage “speaks for itself”

SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang  CCTV footage ay “speaks for itself” sa di umano’y  cover-up attempt o pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre 2022 lalo na ang  nakulimbat na P6.7 bilyong halaga ng shabu ng ilang pulis.

 

 

Ang pahayag na ito ni Abalos ay tugon sa depensa ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na walang nangyaring cover-up na nangyari sa operasyon.

 

 

“In law, there is the principle of res ipsa loquitur. The thing speaks for itself. The video in itself is a statement of what transpired,” ang pahayag na ito sa statement.

 

 

“While I respect General Azurin, I am sure he agrees with me that the public deserves to know the truth. Hindi lamang sa isyu ng 42 kilos kundi higit sa lahat sa kung ano ang nangyari sa 900 kilos na nakumpiska,” dagdag na wika nito.

 

 

Nagpahayag naman ng tiwala si Abalos sa National Police Commission (Napolcom), kung saan siya ang tumatayong chairman na masusing iimbestigahan ang insidente base sa mandato nito.

 

 

Nauna nang nanawagan si Abalos sa 10 pulis na mag-leave muna upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre na nakakulimbat ng P6.7 bilyong halaga ng shabu.

 

 

Agad naman na nagkasa ng imbestigasyon si Abalos na pinangunahan ng National Police Commission kaugnay sa illegal drug case ni ngayon ay dismissed Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na sangkot sa 990 kilo ng nakumpiskang shabu.

 

 

Aniya, binuo ang fact-finding panel ng Napolcom dahil sa mabagal na imbestigasyon ng pulisya sa kaso ni Mayo.

 

 

Ayon kay Abalos, lumabas sa imbestigasyon ng Napolcom na “there is indeed a massive attempt to cover-up the arrest of Mayo.”

 

 

Samantala, ipinresenta pa ni Abalos sa media ang CCTV footage, na nagpapakita na nakaposas si Mayo at pagkatapos ay kinalagan ito.

 

 

Makikita rin sa video ang pagdating at pag-alis ng mga  police officials sa lugar ng establisimyento kung saan nandoon si Mayo.

 

 

Sinabi ni Abalos na makikita sa imbestigasyon ng  Napolcom na “there is indeed a massive attempt to cover-up the arrest of Mayo.” (Daris Jose)

Other News
  • Russell ‘di nasisindak kay Magsayo

    HINDI nasisindak si World Boxing Council (WBC) featherweight champion Gary Russell kay undefeated Pinoy fighter Mark Magsayo sa kanilang bakbakan sa Enero 22 (Enero 23) sa Borgata Hotel Casino and Spa sa Atlantic City, New Jersey.     Alam ni Russell na uhaw sa world title si Magsayo.     At nakikita nito ang determinasyon […]

  • Proklamasyon para sa regular holidays at special non-working days sa 2023, inamyendahan

    NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.     Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]

  • Ads June 20, 2024

    adsjune_202024