• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DICT: Deadline ng SIM registration, Abril 26 pa rin

KINUMPIRMA  kahapon ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na nananatili pa ring Abril 26 ang deadline para sa mandatory registration ng mga SIM cards sa bansa.

 

 

“We like to as much as possible stick to what the law allows us to do and let’s see how the public has so far complied with what the law requires,” ayon pa kay Uy. “And as of today the deadline is still April 26.”

 

 

Kasabay nito, iniulat din ni Uy na may nakikita naman silang magandang progreso sa registration at nada­dagdagan pa ang bilang ng mga rehistradong SIM cards.

 

 

Matatandaang ang SIM card registration ay sinimulan noong Disyembre 27 at nakatakdang magtapos sa Abril 26 lamang.

 

 

Nagbabala naman ang DICT na ang mga SIM cards na hindi mairerehistro bago ang deadline ay made-deactivate at hindi na magagamit pa.

 

 

Patuloy namang umaapela ang mga telecommunications firms na Globe Telecom Inc. at Smart Communications Inc. sa pamahalaan na palawigin pa ang deadline upang mabigyan ng sapat na panahon sa pagrerehistro ng SIM cards ang mga mobile users, partikular na ang mga marginalized sectors at yaong mga nasa malalayo at liblib na lugar.

Other News
  • Work from home, opsyonal sa ilalim ng Alert Level 1- DTI chief Lopez

    MAGIGING opisyal ang work from home arrangement sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 sa susunod na buwan dahil sa pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa.     Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang onsite work ay hinihikayat sa ilalim ng Alert Level 1.     “Ie-encourage ‘yung onsite work […]

  • Deployment ng China Coast Guard sa WPS, overkill

    INILARAWAN ng Philippine Coast Guard (PCG) na “overkill” ang deployment ng China  ng ilang China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels sa Scarborough Shoal (panatag Shoal) sa panahon ng civilian mission na “Atin Ito”.     Nasa 10 CCG vessels, 10 Chinese maritime militia ships at isang people’s Liberation Army  (PLA) vessel ang […]

  • Nasa gitna sa pagsasawalang-bisa ng kasal nila ni Tom: CARLA, hati ang opinyon sa kontrobersyal na isyu ng diborsyo

    CONSERVATIVE si Carla Abellana, kaya hati ang opinyon niya sa kontrobersyal na isyu ngayon sa Pilipinas, ang gawing legal sa ating bansa ang divorce.   Hindi todo ang suporta niya sa usaping diborsyo, kaya nga lamang, si Carla mismo ay nasa gitna ng divorce proceedings dahil may nakasumiteng diborsyo sa Amerika ang dati niyang karelasyong […]