Istasyon ng LRT 2 may connection na sa Sta. Lucia Mall
- Published on April 21, 2023
- by @peoplesbalita
PINASIYANAN at binuksan kamakailan lamang ng Sta. Lucia Land Inc. ang Sta. Lucia Link sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ng istasyon ng Marikina-Pasig na magbibigay ng direct access sa office spaces at Sta. Lucia East Grand Mall.
Sinabi ni VP Rose Santos ng Sta. Lucia Land na ang pagbubukas ng Sta. Lucia Link ay nagpapakita ng isang magandang partnership sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.
Dumalo rin sa inagurasyon sila Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera, Department of Transportation (DOTr) assistant secretary Jorgette Aquino at ibang pang opisyales ng Sta. Lucia Land.
Ang pagbubukas ng link sa LRT 2 ay inaasahang makapagbibigay ng isang ligtas at madaling paraan para sa mga pasahero na pumunta sa nasabing mall.
“The link’s opening further establishes the company’s commitment to creating modern and convenient lifestyle’s options for its customers and the general public. Ensuring convenience and accessibility is a promise that Sta. Lucia Land Inc. takes to heart,’ wika ng Sta. Lucia Land.
Ang istasyon ng LRT 2 Marikina-Pasig ay kasama sa 17-kilometer railway system na may 13 istasyon mula Rizal hanggang Manila na nagbibigay ng serbisyo sa mahigit na 30,000 na pasahero kada araw.
Sa kabilang dako naman, ang Sta. Lucia East Grand Mall ay isa sa mga pioneer sa Pasig-Cainta area sa mga nakalipas ng taon na nagbibigay ng ligtas at magandang shopping experience sa mga residente sa eastern corridor ng metropolis. LASACMAR
-
Ads February 4, 2023
-
Pagkalat ng pekeng partylists ikinaalarma ng mambabatas
IKINAALARMA ni Gabriela Women’s Party List Rep. Arlene Brosas ang pagkalat ng mga pekeng partylists na kakandidato sa Kongreso. Ayon sa mambabatas, taliwas ito sa isinusulong na partylist system na mabigyan ng boses ang marginalized sectors ang mga partylists na pinangungunahan ng mga businessmen, political dynasties, at indibidwal na sangkot sa red-tagging. […]
-
Mga Pinoy, hindi puwedeng maging choosy sa bakunang ituturok sa kanila laban sa Covid-19
HINDI maaaring makapamili ang mga mamamayang Filipino o maging choosy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang makukuha nila mula sa pamahalaan. Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang mga bakunang inaprubahan ng drug regulator ay ” all potent, they are all effective.” “There will be no discrimination at saka hindi kayo makapili […]