• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinitilian sa shirtless scenes: JM, nagpakilig at pinamalas na naman ang husay bilang aktor

GAGANAP bilang Mary Ann Armstrong si Carla Abellana sa Voltes V: Legacy.

 

 

Anak ni Mary Ann sina Steve, Big Bert at Little Jon sa kuwento ng Voltes V: Legacy na eere sa GMA ngayong May 8.

 

 

Hindi ba na-overwhelm si Carla na tatlong lalakiang anak niya sa series gayong sa tunay na buhay ay wala pa siyang anak?

 

 

Tumawa muna si Carla bago sumagot…

 

 

“Nakakatuwa, lalo na kasi iba-iba sila ng personalities, yung tatlong Armstrong boys iba-iba ng special abilities or ng talents, kanya-kanya, iba-iba po.

 

 

“Medyo extremes, may isang napakakulit, may isang napakasobrang talino, may isa namang medyo matikas or yun bang very stern, very ano siya… serious, yung ganun, serious si Steve Armstrong.

 

 

“So iba-iba sila and nakakatuwa kasi tama lang yung blend, tama lang actually yung combination of the three Armstrong boys and Mary Ann Armstrong, so hindi po ako nahirapan.

 

 

“Siguro as a real life Mary Ann Armstrong kahit sino mahihirapan po sa ganung role, pero ako sobrang na-enjoy ko po yun, talagang super favorite ko sila and iba-iba din po kasi sila in real life and I really enjoyed working with the three boys, sina Matt Lozano, si Miguel Tanfelix and si Raphael Landicho, sobrang na-enjoy ko po yun,” kuwento sa amin ni Carla.

 

 

***

 

 

NAPANOOD namin sa red carpet premiere ‘Ang Adik Sa ‘Yo’ ng Viva Films.

 

Tumatalakay ang pelikula sa isyu ng droga at ang masamang idinudulot nito sa isang user at pusher.
Taliwas sa mga pelikula ng Vivamax, wholesome ang pelikulang ito pinagbibidahan nina JM de Guzman at Cindy Miranda, walang hubaran at matinding lovesenes
Napakaguwapo ni JM sa screen, at sa personal siyempre, at tinilian ng ilang beses ang eksena na walang siyang suot na pang-itaas, kita ang kanyang katawang walang bilbil at may mga tattoo.
May pabukol rin siya sa isang eksenang nakatapis lamang siya ng tuwalya na lumabas sa banyo.
Katulad sa mga nakaraang niyang pelikula, ipinamalas ni JM ang husay niya bilang aktor, at kahit hindi sinasadya, nandun pa rin ang pagpapakilig niya sa kanyang mga female and gay fans.

Panay nga ang tilian sa loob ng Cinema 2 ng mga gay fans ni JM lalo na kapag shirtless scenes na niya ang nasa screen.

 

 

Karamihan sa kanila ang pumuno sa cinema 2 ng Megamall making the premiere a success.

Nagulat kami kay Cindy Miranda dahil kaya niyang magpatawa onscreen sa unahang bahagi ng pelikula at magpaiyak sa bandang huli.

 

 

At muli na naman naming napansin ang malaking pagkakahawig nina Cindy at Sanya Lopez.

 

 

At si Candy Pangilinan, komedyana pero nag-drama siya sa pelikula, at naitawid naman niya.

 

 

Happy rin kami na mapanood sa Adik Sa ‘Yo ang Facebook friend naming hunk actor na si Mike Liwag although medyo hindi kami happy dahil walang hubad na eksena si Mike sa pelikula.
Sa direksyon ni Nuel Naval, palabas na ito ngayon sa mga sinehan.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • MMDA, nagpaalala sa publiko na asahan ang mabigat na trapiko sa Disyembre 21

    PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil magaganap ang “Parade of Stars 2022” para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Quezon City sa Disyembre 21.     Ang parada, na hino-host ng Quezon City local government unit (LGU), ay magtatampok ng mga float na […]

  • Baldwin hindi pa rin tatanggalin sa Gilas Pilipinas – SBP

    Mananatili pa ring project director ng Gilas Pilipinas si Tab Baldwin.   Kasunod ito ng kinaharap nitong kontrobersya sa negatibong komento sa mga local coaches at PBA noong nakaraang buwan.   Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios na naging malinis na ang pangalan ni Baldwin sa ginawa nito.   Magkakaroon […]

  • “Walang puwang ang mga ‘paninira, paghahatakan pababa’ -PBBM

    “SA isang Bagong Pilipinas, walang puwang ang mga paninira at paghahatakan pababa.     Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang YouTube channel sabay sabing “unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino.”     Noong nakaraang linggo, tinawag na ‘bangag’ at binatikos ni […]