Nag-file na sila ng complaint sa isang whisky brand: BOY2, nag-warning sa gumagamit ng photo ng lolo na si DOLPHY
- Published on April 25, 2023
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ng warning si Boy2 Quizon sa isang local whisky brand na ginagamit ang photo ng kanyang lolo na si Dolphy Quizon para mabenta ang naturang produkto sa social media.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, nilinaw ni Boy2 na walang ine-endorse na anumang produkto ang kanilang pamilya na gamit pa ang imahe ng kanilang yumaong lolo.
Post ni Boy2: “This is to inform the public that ‘Banayad Whisky’ as shown in the photograph above and/or any product or mechandise having the same brand, is NOT ASSOCIATED, AFFLIATED, OR CONNECTED with RODOLFO “DOLPHY” VERA QUIZON and/or the HEIRS OF DOLPHY. Any complaint or transaction related to BANAYAD WHISKY shall not be acknowleged by the heirs of Dolphy. Please be guided accordingly.”
Nag-file na raw ang pamilyang Quizon ng complaint sa naturang whisky brand.
“Heads up lang: we have filed a case against the seller who won’t stop selling their products using my lolo’s image and the name Banayad Whisky. Just please beware,” ayon pa kay Boy2 na ginamit ang hashtag na #wagmagpabudol sa kanyang post.
Nagamit kasi sa pelikula ni Dolphy na ‘Father & Son’ noong 1995 na name na Banayad Whisky. Ang eksena ay nagsu-shoot ng commercial ang character ni Dolphy para sa naturang inumin hanggang sa malasing siya dahil sa paulit-ulit na take ng eksena niya.
Mapapanood pala si Boy2 sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Seed Of Love.’
***
MAGBIBIDA na sa pelikula ang Beks Battalion na binubuo ng mga komedyanteng sina Chad Kinis, MC Calaquian at Lassy Marquez.
Ang title ng kanilang movie ay ‘Beks Day of Our Lives’ at mapapanood na ito sa mga sinehan on May 17. Si Chad Kinis ang direktor nito.
Ayon kay Kinis, hindi inasahan na darating pa ang matagal na niyang pangarap na maging isang direktor sa pelikula.
“It’s so surreal, super-duper happy. Kasi y’un talaga ang pangarap ko. I love writing and I love directing because hindi sa akin innate ang pagiging komedyante, na magpatawa.
“But I have this always rush of ideas in my mind that I want to execute. Of course, if you are just thinking of those ideas and don’t do it, it will stay as only ideas. Hindi mo na-share, masasayang siya.”
Sa paggawa nga raw nilang tatlo ng movie, masayang-masaya lang daw sila. Walang negative vibes sa paligid.
“Nung nagawa ‘yung movie, it was the happiest moment of my life. As in parang doon ko nasabi sa sarili ko na nung nagkaroon na ng playdate, natapos ‘yung movie, na-edit na, sabi ko sa sarili ko noon, ‘this is the beginning,'” sey pa ni Direk Chad.
Makakasama rin nila sa pelikula sina John “Sweet” Lapus, Debbie Garcia, Ruby Ruiz at marami pang iba.
***
NAG-OPEN up ang star ng hit sitcom na ‘Everybody Loves Raymond’ na si Ray Romano sa pinadaanan niyang heart surgery.
Ayon sa stage and TV comedian, naagapan daw nila ang problema bago siya magkaroon ng heart attack: “I got kinda lucky that we found it before having a heart attack. I just had to have a stent put in. Had 90 percent blockage in the main artery, what they call the widow-maker.”
Twenty years na raw nakikipaglaban si Romano sa kanyang cholesterol level. Hindi raw niya ma-sustain ang healthy habit pagdating sa pagkain.
“I’d go home and think I was hot sh*t. I’d get it down already, and I’d start cheating, cheating, and that was the cycle. It’s hard for me to sustain that diet stuff.”
On cholesterol meds na ang aktor pero kailangan din niyang bantayan ang kanyang sugar intake: “I’m on the meds, and it’s got my cholesterol all down now, so I figure now I can enjoy and eat some food. But my sugar level’s up now. I’m on the pre-diabetic side.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
OFW hospital itatayo na, DOFW Bill isusunod
PINANGUNAHAN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang groundbreaking ceremony ng itatayong kauna-unahang overseas Filipino workers (OFW) Hospital sa bansa na makikita sa San Fernando City, Pampanga kasabay ng pagtiyak na patuloy niyang itinutulak ang pagpapasa ng batas na layong magbuo ng isang departamentong tututok sa pangangailangan at hinaing ng OFWs. Ayon kay Sen. […]
-
Ads August 5, 2020
-
PBBM, lumikha ng dalawang bagong special economic zones sa Pasig City, Cavite
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang proklamasyon na naglalayong lumikha ng special economic zones sa Pasig City at Tanza, Cavite. Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamations 512 at 513, noong Abril 1 na isinapubliko naman, araw ng Miyerkules. Sa ilalim ng Proclamation 512, pinili ni Pangulong Marcos ang ilang […]