• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 E-bike driver huli sa aktong sumisinghot ng Marijuana sa Malabon

KULONG ang dalawang e-bike driver, kabilang ang 26-anyos na dalaga matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng marijuana sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni P/Cpt Mark Xyrus Santos, Sub-Station 1 commander ng Malabon police ang naarestong mga suspek na sina Eugene Emocling, 23, E-bike driver ng No. 82 Sanapo HOA Sitio 6, Brgy. Catmon at Jamaica Bigalan, 26, E-bike driver ng No. 203 Hernandez St., Brgy. Catmon.

 

 

Sa kanyang report kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, sinabi ni Cpt Santos na habang nagsasagawa ng foot patrol ang kanyang mga tauhan sa Mabolo Road, Brgy. Potrero nang maaktuhan nila ang mga suspek na nagsasalitan umano sa pagsinghot ng marijuana dakong alas-11:45 ng gabi.

 

 

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang lapitan at arestuhin sila nina PSSg Paul John Agliam at PCpl Francis John Miguel kung saan nakumpiska sa kanila ang isang glass tube/improvised pipe na naglalaman ng partly burned ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana fruiting tops at isang disposable lighter.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Panoorin din ang kanyang festival hopping: Sen. IMEE, ibabahagi ang kanilang ukay-ukay hacks kasama si BORGY

    SASALUBUNGIN ni Senator Imee Marcos ang 2023 sa dalawang bagong vlogs sa Enero 6 at 7 na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.   Ngayong Biyernes, muling uupo si Sen. Imee sa isa sa pinaka-paborito niyang vlogging partners, ang kanyang anak na si Borgy Manotoc, kung saan magbibigay sila ng helpful tips at […]

  • DepEd hinihintay ang abiso ng DOH hinggil sa expansion ng in-person classes

    Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang abiso mula sa Department of Health bago pa man nila ituloy ang pagpapalawak ng in-person classes sa bansa.     Ayon kay Education Sec. Leonoro Briones, kakatanggap lamang nila ng abiso mula sa DOH na kung puwede ay hintayin muna matapos ang assessment period sa […]

  • 18 bata at 1 adult patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Texas

    PATAY ang 18 bata  at 1 adult matapos na sila ay pagbabarilin sa isang elementary school sa Texas.     Kabilang sa nasawi ang 18-anyos na suspek na namaril sa Robb Elementary School.     Pawang mga mag-aaral ang nasawi at isang guro ang namatay.     Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang detalye […]