• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, ipinagkaloob ang house and lot sa limang masuwerteng benepisaryo

DREAM COME TRUE para sa limang benepisaryo ng government assistance matapos na mabunot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang pangalan sa  raffle para sa house and lot packages sa idinaos na 121st Labor Day celebration sa SMX Convention Center sa  Pasay City, araw ng Linggo. 
Nabunot ng Pangulo ang pangalan nina  Cipriano Basalio, Ana Lara, May Justine Villarin, Heda Villada, at Deborah Romero, ang lahat ay benepisaryo ng iba’t ibang assistance packages ng  Department of Labor and Employment (DOLE) .
Ang bawat isa sa mga ito ay binigyan ng symbolic key ng socialized house and lot packages ng Punong Ehekutibo.
Ang limang nanalo ng house and lot packages ay kasama sa  20,165 qualified beneficiaries ng iba’t ibang  assistance packages ng  Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kalakhang Maynila na nagkakahalaga ng P162.23 milyong piso.
Alinsunod sa Labor Day celebration, ang  DOLE ang siyang kasalukuyang nangunguna sa “distribution of wages” at nag-award ng livelihood projects” sa  229,823 qualified beneficiaries sa buong bansa na nagkakahalaga ng P1.29 bilyong piso.
Ang Labor assistance programs ay kinabibilangan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers Program (TUPAD), DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), Government Internship Program (GIP), at Special Program for Employment Students (SPES).  (Daris Jose)
Other News
  • ‘2 Asian females ang suicide bomber sa Jolo, Sulu’ – PNP

    Kinumpirma ngayon ng PNP na suicide bombers ang naging sanhi ng pagsabog sa Jolo, Sulu noong August 24 na ikinamatay ng 15 katao.   Ayon sa PNP, dawalang female Asians ang nagsagawa ng suicide bombing.   Pero inabi ni Police Lieutenant Colonel Kris Conrad Gutierrez, spokesperson ng special investigation task group na ang hindi naman […]

  • PDu30, hindi pa napipirmahan ang 182 bills na aprubado ng 18th Congress

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang  182 bills na aprubado ng  18th Congress.     “Considering that the 18th Congress we had almost two years of pandemic response and pandemic lockdowns, there were 197 [bills] signed into law, there was one veto but right now, pending in the […]

  • PDu30, umapela na magpabakuna na laban sa Covid -19

    UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mamamayang Filipino na magpabakuna na laban sa Covid-19. Ito’y matapos pangunahan ni Pangulong Duterte ang pagsalubong, Huwebes ng gabi, pagsaksi at pagtanggap sa pagdating ng bakunang AstraZeneca mula sa COVAX Facility sa Villamor Air Base, Lungsod ng Pasay.   “On this note, I would like to appeal to […]