Top 2 most wanted person ng Malabon, nalambat
- Published on May 1, 2023
- by @peoplesbalita
ISINELDA ang 25-anyos na delivery rider na listed bilang top 2 most wanted sa kasong pagpatay matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Roderick Jr, Santos alyas Roderick Santos, 25, delivery rider, at residente ng No. 103 Celia 2, Barangay Bayan Bayanan.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Daro na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Malabon police na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Catmon.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Alfredo Agbuya Jr, at 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado sa Interior Street, Brgy. Catmon, alas-10:30 ng umaga.
Ani Col. Daro, ang akusado ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court Branch 290, noong April 18, 2023, para sa kasong Murder.
Pinuri naman ni BGen Peñones ang Malabon police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Richard Mesa)
-
ALL-NEW “SCREAM” REVEALS POSTERS OF LEGACY CHARACTERS
IT’S time for a killer reunion. Paramount Pictures has just released the individual posters of the legacy characters of the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022. Check out below the character one-sheets of Neve Campbell, Courtney Cox and David Arquette. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0] […]
-
ValTrace magagamit na rin sa Mandaluyong
Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo. Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng […]
-
Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo “Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling […]