• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUGANTENG KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

NAARESTO ng mga ahente ng  Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Korean national na tinangkang lumabas ng bansa,

 

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang naaresto na si Ko Daeyun, 31 sa NAIA 3 terminal noong April 25.

 

 

Sinabi ni Manahan na si Ko ay papasakay ng Cebu Pacific fight patungong Seoul nang arestuhin ng mga operatiba ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) sa airpot.

 

 

Nabatid na ang Korean national ay nasa harapan na ng BI officer sa  immigration departure counter nang napansin na ang pangalan nito ay nasa listahan ng BI’s watchlist ng mga wanted na dayuhan.

 

 

Sa ulat, siya ang nahaharap sa deportation case sa BI legal division kung saan kinasuhan siya ng undesirability dahil sa pagtatago sa hustisya.

 

 

Si Ko ay kinasuhan ng awtoridad ng Korea dahil sa pagiging miyembro ng telecommunications fraud syndicate na nambibiktima  sa pamamagitan ng voice phishing, o paggamit ng tawang sa telepono upang makakuha ng impormasyon..

 

 

Nabatid na hinihikayat ni Ko ang mga biktima na ibigay sa kanya ang kanilang debit card kung saan na-withdraw nito ang kalahating milyon na won,o US$400,000 mula October  hanggang December 2021 matapos nangako sa biktima na magkaka-interest ito. GENE ADSUARA

Other News
  • Type na maka-collab sina Zack at Ben & Ben: JERI, dream makatrabaho sina KATHRYN, DANIEL, JAMES at LIZA

    MATAPOS ang mahigit isang taon, sa wakas ay ilalabas na ng Star Music ng ABS-CBN ang kauna-unahang handog ni Jeri Violago bilang isang recording artist.   Ayon sa premyadong songwriter na si Vehnee Saturno, hindi lang isa ang ginagawa nila, kundi dalawang bagong kanta para kay Jeri.   Inilalarawan ni Vehnee ang ‘Gusto Kita’ bilang […]

  • Ads June 15, 2021

  • Mahigit 48K outbound passengers, naitala ng Philippine Coast Guard bago ang mismong araw ng Pasko

    MULING  nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang pasaherong bumabyahe sa bansa isang araw bagong ang Pasko.     Sa datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 48,636 ang bilang ng mga outbound passengers habang nasa 47,000 naman na mga inbound passengers ang kanilang naitala mula sa 331 vessels at 535 motor bancas sa lahat […]