Workers tablado sa dagdag sahod ngayong Labor Day
- Published on May 3, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG naganap na anunsyo ng dagdag-sweldo sa mga manggagawa ngayong Mayo 1, Labor Day habang pinag-aaralan pa ang mga petisyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
“Sa May 1, walang lalabas na adjustment [sa sahod] agad kasi dumaraan pa sa proseso,” ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma.
Mayroong walong nakabinbin na petisyon para sa dagdag-sahod na isinasailalim pa rin sa review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa mga lugar na nagkaroon ng apela.
Kabilang sa mga lugar na may petisyon para dagdagan ang sahod ng mga obrero ang National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas.
Ngunit ayon kay Laguesma, kailangang sundan ng RTWPB ang ‘time frame’ para sa pagbababa ng desisyon sa dagdag-sahod at hindi kailangan na itapat ito sa Mayo 1.
Sa ngayon, magkakasya na lamang ang mga manggagawa sa inihandang mga aktibidad ng DOLE tulad ng “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa”, pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa ilalim ng iba’t ibang programa ng DOLE, mga job fairs, at livelihood at business fairs sa buong bansa.
Ayon sa DOLE, aabot sa P1.8 bilyong halaga ng suweldo ng sumailalim sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program at iba pang tulong pinansyal ang ipamamahagi sa 313,943 manggagawa ngayong Labor Day.
Bahagi rin ng naturang halaga ang livelihood assistance sa mga mahihirap na nasa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program.
Maging ang bayad sa mga intern ng gobyerno sa ilalim ng DOLE-Government Internship Program, at sahod ng mga batang manggagawa sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).
-
Jimuel Pacquiao ‘wagi sa pinakabagong amateur fight sa California
NAGTALA nang panibagong panalo ang anak ni dating Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao matapos na talunin via decision si Dylan Merriken sa laban na ginanap sa Quiet Cannon Conference and Event Center sa Montebello, California nitong araw ng Biyernes. Ang panalo ng 21-anyos na si Pacquiao sa three-round bout ay bilang […]
-
Malabon LGU, kinilala ng DILG sa paghahatid ng mga serbisyo
TUMANGGAP ng maraming parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval mula sa Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) para sa epektibo at mahusay nitong paghahatid ng mga programa para sa kapakanan, kaligtasan, at pagpapabuti ng buhay ng mga Malabueño. “Isang karangalan para sa pamahalaang lungsod ang […]
-
Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry
MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa. Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa. Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t […]