Makikita sa kislap ng mga mata: RITA, masayang ipinakilala sa socmed si Baby UNO
- Published on May 2, 2023
- by @peoplesbalita
MAKIKITA ang kislap sa mga mata ni Rita Daniela nang ipakilala na niya sa social media ang kanyang first born na si Baby Uno.
Noong December 2022 sinilang ni Rita si Baby Uno pero ngayon lang niya pinakita ang mukha nito.
Caption pa niya: “sending good vibes, love and hope to everyone. here’s my hope, my ball of sunshine and my home. my lovely son, UNO. i’m so blessed and proud to be your nanay.”
Kita naman na masayang-masaya si Rita sa buhay niya ngayon dahil sa kanyang anak. Kahit na alam niyang matagal siyang hindi muna makakapagtrabaho, happy itong nakikitang lumalaking malusog ang kanyang baby.
Marami na kasing fans ni Rita ang nami-miss siyang umarte sa teleserye at mag-perform sa ‘All-Out Sundays’. Nangako naman si Rita na kapag ready na siya, physically and mentally, babalik ulit siya sa showbiz dahil nami-miss na rin nito ang umarte at kumanta.
Pero priority niya sa ngayon ay ang kanyang baby.
(RUEL J. MENDOZA)
-
DOTr: Bike lane network pinalawak
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na nadagdagan ng 68 na kilometro ang bicycle lane network bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na ipagpatuloy na palakasin ang active transportation sa bansa. Nagkaron ng inagurasyon ang South at East Metro Manila bike lane network noong nakaraang linggo ang DOTr kasama ang Department of Public […]
-
PBBM, pinuri ang naging papel ni Escudero sa ‘political reconciliation’ kay Robredo
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pagtulong na magkasundo sila ng kanyang political rival na si dating vice president Leni Robredo. Sa isinagawang ceremonial signing ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law sa Palasyo ng Malakanyang, ikinatuwua at pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Escudero dahil […]
-
PATAKARAN SA KAMPANYA, IPATUPAD
PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa mga paghihigpit na ipatutupad para sa personal na pangangampanya, bukod sa iba pang mga patakaran habang nagsisimula ang 90-araw na campaign period para sa mga pambansang kandidato kahapon, Feb.8 Sinabi ni Comelec’ Education and Information Department (EID) Director Elaiza David sa Laging Handa […]