• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEALTH SEC DUQUE, ‘SABLAY’ SA PFIZER VACCINE

“There’s no such a thing as somebody dropping the ball. It is really an ongoing negotiation,” ani Duque sa isang press briefing nitong Miyerkules.

 

Agad dumepensa si Health Sec. Francisco Duque III mula sa kontrobersyal na online post ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na naglantad sa isang opisyal na humarang umano sa dapat sana’y maagang pagdating ng Pfizer COVID-19 vaccines sa bansa.

 

Sa isang online post nitong Martes, hindi naitago ni Locsin ang pagkadismaya dahil sa tila nasayang na panliligaw nila ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa World Bank at Asian Development Bank para sagutin ang pagbili ng 10-milyong supply ng naturang bakuna.

 

“We—Babe Romualdez and I—got 10 million doses of Pfizer financed by World Bank and ADB to be shipped thru FEDEX to Clark in January,” ayon sa Department of Foreign Affairs secretary.

 

“BUT SOMEBODY DROPPED THE BALL. I have steel ball bearings. I just need a slingshot.”

Walang kinaladkad na pangalan si Locsin sa kanyang post, pero nagpaabot ng paliwanag si Duque tungkol sa issue.

 

Ayon sa kalihim ng DOH, huli na nang malaman niya na kailangan din pala ng kanyang lagda sa dokumento ng kasunduan ng gobyerno at Pfizer.

 

“The DOH went to the process of iteration, ito yung pabalik-balik na tinitingnan yung mga conditionalities na kasali sa confidentiality disclosure agreement (CDA).”

 

“September 24 lang nang naabisuhan kami ng Pfizer na sinasabi na ang utos ng Office of Executive Secretary (OES), ay DOH na ang lalagda, hindi na OES at DOST (Department of Science and Technology).”

 

Agad naman daw pinirmahan ng Health secretary ang dokumento nang matanggap at mapag-aralan ang nilalaman nito.

 

“Tuloy-tuloy lang kami sa reviews ng mga conditionalities and I just wanted to make sure na hindi disadvantageous sa government yung mga provisions… after September 24, on October 20, on the day that this was submitted to me, I signed it already.”

 

Sa isang online article, sinabi ni Ambassador Romualdez na tuloy pa rin naman ang pagdating ng Pfizer vaccines. Hindi nga lang sa target ng Enero 2021, dahil hindi raw agad naaksyunan ng pamahalaan ang requirements.

 

Bukod sa Pfizer, may tina-trabaho na rin daw sila ni Sec. Locsin na kasunduan sa isa pang American pharmaceutical company na Moderna.

 

“Only pushed back to a later date of delivery possibly June next year because we did (not) act quick enough on the CDA. Other countries got ahead of us like Singapore,” ani Romualdez sa artikulo ng CNN Philippines.

 

“We are ‘work in progress’ with Pfizer & Moderna for supply of vaccines. If we commit soon we can possibly get delivery by mid next year.”

 

Lumutang ang issue ng Pfizer vaccines sa gitna ng mga kwestyon sa interes ng pamahalaan sa bakunang gawa ng kompanyang Sinovac mula China. Sa kabila kasi ng kulang pang datos sa safety at efficacy ng kanilang bakuna, pursigido ang gobyerno na dalhin ito sa Pilipinas sa unang quarter ng 2021.

 

Ayon kay Vaccine czar Sec. Carlito Galvez, pina-plantsa na ng kanyang hanay ang kasunduan para sa supply ng COVID-19 vaccine mula sa naturang Chinese company.

 

“We want to finalize this week (the) negotiations so that we can firm up the head of terms and also we are looking at the exact time of the distribution,” Galvez said in a televised press briefing Monday.” (DARIS JOSE)

Other News
  • Hiling ni PDu30 sa national at local quarters, paigtingin ang vaccine information at education campaign

    HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa national at local quarters na pataasin at paigtingin ang kanilang vaccine information at education campaign para mas mapataas pa ang kumpiyansa sa bakuna at marami pang tao ang magpabakuna laban sa Covid-19   Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay sinabi ng Chief Executive na […]

  • Zelensky, nakipag-usap kay Pope Francis tungkol sa Russia-Ukraine war

    NAKIPAG-USAP si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay Pope Francis via phone call hinggil sa nangyayaring digmaan ngayon sa kanilang bansa laban sa Russia.     Ibinahagi ni Zelensky sa kanyang address sa Italian Parliament na sinabi ng santo papa na naiintindihan nito ang hangad niya na kapayapaan at pakikipaglaban para sa mga sibilyan at kanyang […]

  • Russian troops nakapasok sa isa pang lungsod sa Ukraine

    NAKAPASOK na rin ng mga sundalo ng Russia ang isa pang lungsod sa Ukraine na Kharkiv.     Sa isang Facebook post, sinabi ng head ng regional administration na si Pleg Sinegubov na sakay ng mga “light vehicles” ang mga sundalo ng Russia.     Sinabi rin niya na ini-eliminate na rin ng Ukrainian armed […]