PBBM, tinitingnan ang ‘cutting-edge” micro nuclear fuel technology para resolbahin ang powers crisis sa bansa
- Published on May 4, 2023
- by @peoplesbalita
TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na lutasin ang power crisis sa bansa.
Ito’y matapos na makipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader at vertical integrator ng nuclear technologies at services.
Sa meeting sa Washington, nagpahayag ng kanyang interest si Francesco Venneri, CEO ng Ultra Safe Nuclear Corporation, magdala ng malinis at reliable nuclear energy sa Pilipinas, inilarawan ang nasabing hakbang bilang “probably a very important way for us to enter the market.”
Sinabi ng USNC na seryoso nitong kinokonsidera ang Pilipinas para sa “first nuclear energy facility” nito sa Southeast Asia at nangakong tutulong na tugunan ang serye ng blackouts na tumama sa ilang lugar sa bansa.
“We also note that there’s a great deal of discussion about Mindoro having blackouts and that might be an excellent….a good science [solution],” ani Venneri, tinukoy ang ilang power outages sa Occidental Mindoro.
Nauna rito, agad namang inaksyunan ng administrasyong Marcos ang power crisis sa lalawigan sa pamamagitan ng pag-operate sa tatlong power stations para makapagbigay ng 24-hour electricity power service sa lalawigan.
Ayon sa mga opisyal ng USNC, ang micro modular reactor (MMR) energy system ay pang-apat na generation nuclear energy system na naglalayong makapaghatid ng ligtas, malinis at cost-effective electricity sa mga users.
Ang MMR ay nakakuha ng lisensiya sa Canada at US, kinonsiderang first “fission battery” pagdating sa commercialization.
“The company anticipates eventual heavy demand for its MMRs and its nuclear fuel, and envisions the Philippines as its nuclear hub in the region,” ayon sa Malakanyang.
“Ensuring an unhampered supply of energy alongside the promotion and utilization of renewable energy sources are top priorities of the Marcos administration in an aggressive bid to realize a sufficient and clean energy supply in the future,” ang wika pa rin ng Malakanyang. (Daris Jose)
-
Ads August 3, 2024
-
Scott Eastwood Reprises His Role As ‘Little Nobody’ In The Upcoming ‘Fast and Furious 10’
SCOTT Eastwood is returning to The Fast Saga, reprising his role as Eric Reisner a.k.a. Little Nobody in Fast & Furious 10. Also known as Fast X, the tenth film in the main franchise is currently in production after a brief but significant snafu regarding its filmmaker. Director Justin Lin, who returned to […]
-
DOH, isiniwalat ang komprehensibong aksyon upang matugunan ang mga problema sa nutrisyon sa PH
TINUTUGUNAN ng DOH ang isang komprehensibong diskarte na sumasaklaw hindi lamang sa mga umiiral na isyu laban sa undernutrition ngunit kabilang din ang mga alalahanin na may kaugnayan sa over nutrition, micronutrient malnutrition, at food security. Ito ang isiniwalat ni Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Enrique Tayag bilang kasama sa mga “multi-faceted […]