Walang sektor ang hindi napag-usapan sa PH-US partnership-PBBM
- Published on May 4, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG SEKTOR ang hindi nabanggit sa “partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pulong kasama ang United States-Philippines Society (USPS), ikinatuwa niya ang makabuluhang progreso na nagawa kapuwa ng Maynila at Washington para mas palakasin ang security alliance.
“Yes now, prominent are the security defense issues, but if you look at what do we do in partnership, in coordination with the United States, and there’s no part of—there’s no sector that isn’t touched by that partnership,” ayon sa Pangulo.
Winika pa ng Punong Ehekutibo na ang pagpapalakas at pagpapalalim sa relasyon ng dalawang bansa ay “a big step forward with all the developments that have been happening.”
“It has been terribly useful for us to talk about redefining our Mutual Defense Treaty and this, I think, has given us the opportunity to layout as you say that roadmap for the economy and for another big issue in the Philippines – climate change and all the other big issues,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, nangako naman ang USPS para sa “greater cooperation and partnership in the development and economy of the Philippines.”
Ito’y non-profit, bi-national organization ng prominenteng civic at business leaders ng Estados Unidos at Pilipinas.
Samantala, binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang papel ng pribadong sektor sa economic development kung saan umaasa siya na “to see more engagements involving both the government and the private sector, especially in mobilizing financial resources for investments in key areas.”
Sinabi naman ni Top IBM executive Michael DiPaula Coyle na sila ay “very, very bullish” sa Philippine economy at “looking forward” na makatrabaho ang gobyerno para mamuhunan sa digitalization.
“We’re also very heavily invested in helping grow your talent pool through skills development programs, we’ve had a number of partnerships with the US government with your government to improve skills development particularly in areas like… AI and cybersecurity where I think the Philippines has an enormous opportunity to position yourselves as very competitive economy particularly in the IT services sector,” ani Coyle.
-
Bigayan ng ayuda, vaccination sites posibleng ‘super spreader’ ng virus
Posibleng maging “super spreader” ng virus ang mga kasalukuyang ginaganap na bigayan ng ayuda at maging ang “vaccination” ng mga lokal na pamahalaan dahil sa pagkukumpulan ng mga tao sa mga venue. “This is a possible super spreader event lalong lalo na kung kumpulan yung tao at enclosed yung space,” ayon kay Health […]
-
2 sa People’s Balita, nanumpa kay PCO Secretary Chavez
ISANG malaking karangalan sa pamunuan ng Alted Publications, ang naglalabas ng mga isyu ng People’s Balita, isang national-tabloid newspaper kung saan isang Editorial Consultant at Reporter nito na mga opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) ang kabilang sa nanumpa sa harapan ng Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cesar Chavez sa Malacanang. […]
-
Halagang P1-Trillion, pinag-aaralang kontribusyon ng BOC para sa gobyerno
PINAG-AARALAN ng Bureau of Customs (BOC) ang kontribusyon ng hanggang P1 trilyon sa kaban ng gobyerno ngayong taon. Sinabi ni BOC spokesperson Vincent Maronilla na ang mga posibleng karagdagang kita ay magmumula sa mga buwis na kokolektahin hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan. Aniya, ito ay magpopondo sa maraming programa ng […]