Utos ni PBBM sa mga ahensiya ng pamahalaan, LGUs: Suportahan ang programa laban sa kriminalidad
- Published on May 5, 2023
- by @peoplesbalita
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang memorandum circular na inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at hinikayat naman ang local government units na suportahan ang 2023 National Crime Prevention Program (NCPP).
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 19, nilagdaan ng Pangulo araw ng Martes, ang direktiba ay alinsunod sa adopsyon ng “whole-of-government” approach sa pagtugon sa kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa bansa.
Ang 2023 NCPP ay “operationalizes the strategies for ensuring peace and security under the Philippine Development Plan 2023-2028” kung saan ang National Police Commission (Napolcom) ang mangangasiwa sa implementasyon ng NCPP.
Ang 2023 NCPP ay dinibelop (develop) ng Napolcom sa pamamagitan ng Technical Committee on Crime Prevention and Criminal Justice nito, isang inter-disciplinary body na binubuo ng kilalang eksperto mula sa ahensiya ng gobyerno at non-government organizations na kabilang sa criminal justice system.
Ang Napolcom ay isang agency na attached sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan responsable para sa administrasyon at kontrol ng Philippine National Police (PNP). (Daris Jose)
-
PBBM, nanawagan sa China na sundin ang UNCLOS, international law sa South China Sea
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng China na itaguyod ang international law at sundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kaugnay sa lugar ng South China Sea (SCS). Sa isang panayam, winika ng Pangulo na sinabihan niya ang mga Chinese officials ukol sa kahalagahan […]
-
Ads August 31, 2021
-
PBA kumikilos na para masimulan ang season
Desidido ang Philippine Basketball Association (PBA) management na masimulan na ang PBA Season 46 Philippine Cup sa third week ng Hulyo. Kaya naman nakikipagtulungan na ito sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maplantsa ang lahat ng kakailanganin sa season opening. Nakipagkita ulit si PBA commissioner Willie Marcial kay MMDA chairman […]