• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH-US bilateral defense guidelines tugon sa mga hamon na ating kinakaharap – PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bagong bilateral defense guidelines na pinagtibay ng Manila at Washington ay siyang tugon sa security challenges na kinakaharap ng dalawang magka-alyadong bansa.

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo na layon ng nasabing guidelines ay ang pagtatanggol laban sa mga banta sa cyberspace, naglalayong “gabayan ang mga priyoridad na bahagi ng pakikipagtulungan sa pagtatanggol upang matugunan ang parehong conventional at non-conventional security challenges na kapwa ibinabahgi ng Estados Unidos at Pilipinas.

 

 

Ipinunto ni Marcos na ang “security and defense” issue ay hindi na maaaring maituring na isolated issue ngayon.

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan na mag pokus sa bagong ekonomiya mula sa post-pandemic world.

 

 

Sabi ng Pangulo mayroong impact sa ekonomiya ang giyera sa Ukraine at ang mga ganitong issues ay kailangan talagang tugunan. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di pinalampas ang pambabastos ng netizen: BELA, nilinaw na walang inisnab sa concert ni HARRY STYLES

    PINATULAN at hindi pinalampas ni Bela Padilla ang pambabastos ng isang netizen dahil daw sa pang-iisnab niya sa mga taong gustong magpa-picture sa concert ni Harry Styles.     Very vocal ang aktres at direktor na fan siya ng international artist at dating member ng One Direction, kaya nag-watch siya ng concert noong Martes, March 14 […]

  • VP Sara biyaheng Germany kasama pamilya

    UMALIS ng bansa patungo Germany si Vice President Inday Sara Duterte, kasama ang pamilya nito at ang kanyang ina, madaling araw ng July 24 .       Pasado ala-una ng madaling araw kahapon ng makalipad sa NAIA ang Emirates Airlines flight EK-335, matapos ma-delay ito patungong Munich, Germany via Dubai.       Hindi […]

  • Presyo ng bigas sa merkado, tumaas ng hanggang P2/kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo – DA

    TUMAAS ang presyo ng bigas sa merkado ng P1.50 hanggang P2 kada kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).     Sa pinakahuling datos, nag-iwan ng malawak na pinsala ang matinding pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa parte ng Luzon kung saan umaabot sa P2 […]