• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, isusulong ang negosasyon sa China ukol sa Malampaya gas fields—PBBM

IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang pakikipag-usap sa China kaugnay sa inaangkin na Malampaya natural gas fields. 
Sinabi ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang bagay na ito sa pagtatapos ng kanyang  five-day visit sa Washington, araw ng Biyernes, (Manila time).
Aniya pa, ang dalawaang bansa ay “slowly inching towards a resolution” hinggil sa pag-angkin sa  Malampaya natural gas fields.
Binigyang diin nito na ang tanging paraan para lutasin ang ang usaping ito ay buksan ang communication lines.
“The only way to resolve the issues that are outstanding is to once again keep talking and to come to a consensus, to come to an agreement and to continue to negotiate,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang forum sa Center for Strategic and International Studies (CSIS).
“It is not an easy process but the Malampaya fields, natural gas fields that lie in our, within our baselines and within our exclusive economic zone and that again is being questioned in certain cases, in certain areas by China and we continue to negotiate with them,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
“The President further said “we continue to find a way,’ and that the essential roadblock to that whole process has been very simple,” aniya pa rin.
Sinabi nito na inaangkin ng gobyerno ng Tsina ang partikular na lugar kung saan matatagpuan ang  Malampaya fields subalit ang nasabing lugar ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas gaya na ginawang pagdetermina ng Permanent Court of Arbitration sa July 2016 ruling nito.
“The nine dash line covers just about the entire West Philippine Sea. We, on the other hand, have established our baselines which have been recognized and accredited by UNCLOS and therefore there is that conflict and so what happens now especially when it comes to exploration in — for energy — for our energy needs are which law will apply because we say this is part of Philippine territory and therefore Philippine law should apply,” ayon sa Pangulo.
“It may have to come down to a compromise that will just limit that application, the application of laws maybe to the vessels that are involved in this exploration and exploitation of whatever natural gas fields we can access,” aniya pa rin.
Aniya pa, ang resolusyon sa naturang usapin  ay hindi magagawa ng “overnight” lang subalit nilinaw nito na isa lamang ito sa mga suhestiyon ng magkabilang partido na  tinitingnan para lutasin ang nasabing usapin.
“There is no silver bullet where you say, we’ll do this and it’s done. As I said, we are inching slowly towards the resolution and that’s why we must be constant, we must be transparent and we must be accountable for all that we do.  And I cannot see any other way to handle the problem other than that,” aniya pa rin.
Ang  Malampaya gas field  ay  isang deepwater gas-condensate reservoir,  matatagpuan sa 65 kilometrong  hilagang kanluran ng isla ng Palawan. (Daris Jose)
Other News
  • DINGDONG, binahagi ang nakaka-touch na birthday letter para kay ZIA at video ng kanilang jamming

    NAKAKA-TOUCH ang IG post ni GMA Primetime King Dingdong Dantes para sa unica hija niya na si Zia Dantes na nag-celebrate ng 6th birthday last November 23.     Idinaan uli ni Dingdong sa isang punum-puno ng damdamin na letter para sa panganay nila ni Marian Rivera-Dantes dahil wala nga siya sa kaarawan ng anak […]

  • Nadagdagan na naman ang list ng international celebrities: HEART, naka-rubbing elbow ang asawa ni JUSTIN na si HAILEY BIEBER

    MAY nadagdag na naman sa listahan ng international celebrities na naka-rubbing elbows o nakilala nang personal ni Heart Evangelista.     Kung sa mga nakaraang global trips ni Heart ay nakilala na niya ang cast ng ‘Emily In Paris’ led by Lily Collins, ang mga Korean celebrities na sina Song Hye-kyo, Yugyeom ng GOT7, Ji Chang-wook, […]

  • Para sa Asian premiere ng upcoming Neflix movie: CHRIS HEMSWORTH, excited na rin sa pagpunta sa bansa next month

    GAME na mag-collab sa isang film project ang dalawang drama princess ng Philippine Television na sina Maris Racal and Barbie Forteza.     Dahil na rin sa kanilang mga fans na nag-suggest na magsama sila sa isang pelikula, nagpakita naman ng interes sina Maris at Barbie kahit na homegrown stars sila ng magkaibang TV network. […]