• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Prinsipyo ang usapan at ‘di pera: VIC, umaming sanay na ang TVJ na halos ‘di kumikita

MASAYA ang pagpapakilala ni Vic Sotto at ng kanyang M-Zet Productions sa cast ng bago nilang sitcom na “Open 24/7” sa media conference nito last Monday, May 8.

 

 

Ito ang papalit sa katatapos na sitcom nila sa GMA Network, of more than four years, ang “Daddy’s Gurl.”

 

 

Sa “Open 24/7” Vic is Boss EZ who’s in charge of a convenience store at lahat ng cast ay mga crazy Gen-Z crew ng store.

 

 

Maja Salvador is a funny and “kikay” girl, Jose Manalo is Spark, Boss EZ’s brother; Sparkle Sweethearts Sofia Pablo and Allen Ansay as Kitty and Al, Sparkle artists Riel Lomadilla as Bekbek, Anjay Anson as Andoy, Kimson Tan as Kokoy, Abed Green as Fred and Bruce Roeland as Doe.

 

 

During the mediacon, parang hindi pa rin makapaniwala ang mga Sparkle stars na they will be working with Vic Sotto.

 

 

Iisa raw ang tanong nila, “kung totoong makakatrabaho po namin si Bossing Vic Sotto, at si Sir Jose Manalo?”

 

 

Since magsisimula na silang mag-taping, sigurado raw ang saya-saya nila sa set.

 

 

Si JR Reyes ang magdidirek ng “Open 24/7” at magsisimula na silang mapanood simula sa Saturday, May 27, after “Magpakailanman” sa GMA-7.

 

 

Isang member of the press ang nag-try magtanong kay Vic tungkol sa issue sa “Eat Bulaga,” at medyo nahirapan din si Vic na hindi mag-comment sa tanong kung totoong nabayaran na ng TAPE, Inc. ang ilang milyong utang sa kanyang talent fee, joke ba iyong sagot niyang ‘bayad’ na siya?

 

 

“It’s not a joke, secret!”

 

 

“Hindi naman pera ang usapan dito, kundi prinsipyo. Sanay na kami, ang TVJ, simula pa lamang na halos hindi kami kumikita.

 

 

“Hindi ako ganoon, kung mababayaran ako, eh di well and good. Kung hindi naman, eh di ayos lang.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Paris Olympics: South Sudan basketball team, sasabak sa laban kontra NBA superstars

    MULING maghaharap ang Team USA at Team South Sudan sa ilalim ng preliminary elimination sa Paris Olympics 2024.           Maaalalang nagkaharap ang dalawa sa exhibition games bago ang opisyal na pagsisimula ng Olympics kung saan naging pahirapan para sa US na ipanalo ang laban dahil na rin sa magandang depensa at […]

  • Guadiz, posible pa ring masibak mula sa LTFRB

    POSIBLE pa rin umanong masibak sa puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman ­Teofilo Guadiz III, kung mapapatunayang guilty siya sa mga alegasyon ng korapsyon.     Ito ang naging tugon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista matapos na matanong kung maaari pa bang muling ma-dismiss si Guadiz mula sa […]

  • Walang fare hike

    Hindi kinatigan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang panawagan ng mga transport groups na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa public utility jeepneys (PUJs).     Ito ang sinabi ni Tugade sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng signing ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at Department of […]