ASEAN, dapat na magdoble-sikap na panindigan at itaguyod ang international law
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
DAPAT lamang na magdoble-sikap ang ASEAN na itaguyod at panindigan ang international law sa rehiyon.
“In order to harness the potential of our region, I believe that ASEAN must double its efforts especially in these following priority areas: first, ASEAN should uphold international law and the international rules based system which has underpinned the peace, security, stability, and prosperity of our region,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng plenary session.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang bagay na ito isang araw matapos niyang sabihin na patuloy niyang isusulong ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea sa ASEAN Summit.
Ani Pangulong Marcos, hindi mapapakalma ang tensyon sa South China Sea kung walang COC.
“You cannot stop trying so yes I will bring that up again. Because when we talk about the issues in the West Philippine Sea, in the South China Sea, hindi magkakalma iyan hanggang wala tayong Code of Conduct,” ang wika ng Pangulo.
Samantala, sinabi pa rin ng Pangulo na tanggap ng PIlipinas ang Indonesia’s ASEAN chairmanship priority na “strengthening regional cooperation to address cross-border crimes particularly trafficking in persons caused by the misuse of technology and to mainstream the protection of migrant workers and their families in crisis situations.”
Tinuran ng Pangulo na ang gobyerno ng Pilipinas ay matibay na tagapagtaguyod ng proteksyon ng karapatan at kapakanan ng mga migrante.
Sa gitna nito, kinikilala naman ng Pangulo ang kahalagahan ng inter-parliamentary cooperation pagdating sa “synergizing regional efforts towards tackling shared challenges.”
“Inter-parliamentary cooperation will synergize regional efforts towards tackling shared challenges such as climate change, transnational threats, and upholding a rules-based international order anchored in international law,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang interbensyon sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan mula sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA).
“We thank the AIPA for continuing to support our vision for a rules-based, people-oriented, and people-centered ASEAN,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, ipinanukala naman ng Punong Ehekutibo na panatilihing bukas ang komunikasyon at epektibong kolaborasyon sa pagitan ng “executive at legislative bodies” para pagsamahin ang mga batas at regulasyon sa buong rehiyon.
“Through such a partnership, we can realize in the domestic arena agreed strategies for collaboration and identify laws which are needed to harness new opportunities for the region as well as address emerging regional challenges,” aniya pa rin.
“ASEAN member states share the same concerns regarding the increasing misuse of innovative technological applications to facilitate trafficking in persons, which, according to him, is “a multidimensional issue that needs concerted cooperation between the legislative and executive bodies in order to be resolved.” ayon sa Pangulo.
Samantala, ang AIPA ay nagsisilbi bilang sentro ng komunikasyon at impormasyon sa hanay ng member parliaments sa ASEAN.
Layon nito na “encourage understanding, cooperation, and close relations among member parliaments as well as observer member parliaments and other parliamentary organizations.” (Daris Jose)
-
NAVOTAS hospital magdadagdag ng libreng dialysis sessions
MAS pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng basbas ng walong bagong hemodialysis machine. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod ang pagbabasbas ng mga dialysis unit sa NCH. Mula […]
-
Miss Universe Myanmar THUZAR WINT LWIN, balitang ‘di na makababalik pagkatapos magsalita sa kaganapan sa bansa
MARAMI ang nalungkot at naawa para kay Miss Universe Myanmar 2020 Thuzar Wint Lwin dahil hindi na raw ito makababalik sa kanyang bansa pagkatapos niyang magsalita tungkol sa mga nagaganap sa kanilang bansa sa US media. Nakahanda na raw ang arrest warrant niya kapag dumating siya sa Myanmar. Kabahagi si Thuzar […]
-
Magkamukha raw kaya papasa na magkapatid: YASMIEN, fan na fan na ni BEA bago pa mag-artista
MASAYA ang isinagawang red-carpet screening and mediacon para sa upcoming Philippine adaptation ng Korean-drama na “Start-Up PH” sa Robinsons Galleria Cinema 2, dahil maraming kuwento ang mga bumubuo ng cast na most of them, ngayon lamang nagkatrabaho. Si Yasmien Kurdi ang unang nagkuwento ng tungkol sa pagiging fan daw niya ni Bea Alonzo […]