• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, patuloy na ihihirit sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng pardon si Mary Jane Veloso

PATULOY na ihihirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng commutation o pardon  ang pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row ng nasabing bansa  dahil sa kasong droga.

 

 

“We haven’t really stopped. The impasse is we continue to ask for a commutation or even a pardon or extradition back to the Philippines. That is constantly there,” ayon sa PAngulo.

 

 

“But the Indonesians answer us that this is the law,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Setyembre ng nakaraang taon nang hilingin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Foreign Minister to Indonesia Retno Marsudi ang paggawad ng executive clemency para sa OFW sa Indonesia na si  Veloso na nasa death row dahil sa kasong drug trafficking.

 

 

Sa katunayan, nakipagpulong pa si Manalo kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa Jakarta upang pormal na humingi ng clemency.

 

 

Nangyari ang pagpupulong sa sideline ng state visit sa naturang bansa ni Pangulong Marcos.

 

 

Ayon sa DFA, sinabi ni Marsudi na sasangguni siya sa kanilang Ministry of Justice kaugnay sa naturang usapin.

 

 

Matatandaan na si Veloso ay naaresto noong 2010 dahil sa umano’y pagpuslit ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia. Itinanggi niya ang mga akusasyon at sinabing niloko siya ng kanyang mga recruiter na nagdala ng mga droga na ipinuslit umano sa kaniyang maleta.

 

 

Hindi natuloy ang pagbitay sa kaniya ng firing squad noong Abril 2015 matapos na mailigas dahil sa pagkaaresto sa kaniyang mga recruiter sa Pilipinas.

 

 

“They’ve already given us postponement… but that doesn’t mean it’s done. I will always, I’ll always at least bring it up. Baka sakali… baka sakali magbago,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 9) Story by Geraldine Monzon

    May nakarating kay Bernard na konting pag-asa kaugnay sa kanyang mag-ina kaya halos lumutang ang mga paa niya sa pagmamadali para mapuntahan ang mga ito. Subalit nang sakay na siya ng taxi patungo sa address na ibinigay ni SPO2 Marcelo ay nadaanan niya si Cecilia sa kalsada na biglang hinimatay kaya’t pinahinto niya ang sasakyan. […]

  • 2 tulak laglag sa P240K shabu at damo sa Malabon drug bust

    MAHIGIT P.2 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang bagong identified drug pushers matapos madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkules ng hapon.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Okeng, 31, at alyas Anjoe, 24, E-trike […]

  • Bulacan, ipinagdiwang ang gay pride, kinoronahan ang kauna-unahang La Baklakenya sa Singkaban Festival 2024

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bumida ang matitingkad na kulay ng LGBTQ+ communities nang parehong ipagdiwang ng Singkaban Festival ang pagiging inklusibo at pamanang kultural sa pamamagitan ng Bulacan Gay Pride 2024 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan.     Dinaluhan ang gala night ng iba’t ibang LGBTQ+ federations na may mahigit […]