• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos

SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at  King Charles III.

 

 

Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation  nitong weekend.

 

 

Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina na si Imelda at King Charles III dahil sa mga meeting ng kanyang namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. nang ang huli ay Pangulo pa ng bansa.

 

 

“Kasi kilalang-kilala niya talaga ‘yan eh. Magkakilala talaga sila. Ako nakilala ko siya mga two or three times pero ‘yung si mother ko talaga ‘yung… Kasi mga foreign—siya ang laging representative ng reyna, mommy ko naman ang representative ng father ko,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“So lagi silang nagkikita kung saan-saan. And he said, ‘Well, give her my warmest felicitations. We had so much fun together,’ sabi niya. And I said, ‘Well, congratulations on your coronation’,” dagdag na wika nito.

 

 

Nito lamang Mayo 6 ay dumalo si Pangulong Marcos sa koronasyon ni King Charles kung saan sinabi ng una sa huli na nagpapaabot ng pagbati ang kanyang ina na si Imelda para sa nasabing koronasyon.

 

 

“And I told him – I then went and said, “My mother when she found out – my mother Imelda…” ‘Pag Imelda nakilala na niya. “My mother Imelda, when she knew that I was coming here, wanted to send you her best wishes and congratulations for your coronation.” And he said, “How is she?” ang pagbabahagi ng Pangulo.

 

 

“He was very nice. He clearly knows about the Philippines. Marami siyang kaibigan na Pilipino,” dagdag na wika nito.

 

 

Binanggit din ng Punong Ehekutibo ang saglit na pagkikita at pag-uusap nila ni  King Charles, nabanggit ng huli na labis na nagdurusa ang Pilipinas mula sa mga bagyo dahil sa climate change.

 

 

Sinabi pa ni King Charles na wala ni isa man ang nakikinig sa babala laban sa epekto ng  climate change.

 

 

“I just caught a few moments with him. Kinamayan ko. Nagpakilala ako. The minute he heard Philippines sabi niya, ‘It’s terrible what you have to endure, all of these typhoons that climate change has brought,'” ayon sa Pangulo.

 

 

“Sinabi ko nga sa kanya, ‘Yes, Your Majesty, you have actually been warning us about this for a very long time,’ So yeah, well sabi niya, ‘but nobody was listening,'” dagdag na pahayag nito.

(Daris Jose)

Other News
  • ‘Byahe ni Kiko’ umarangkada, solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain

    UMARANGKADA na noong linggo ang “Byahe ni Kiko: Hello Pagkain, Goodbye Gutom” caravan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kung saan bitbit nila ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino bilang mahalagang isyu sa halalan sa Mayo.     Sa pagtakbo niya bilang bise presidente, iginiit ni Pangilinan na ang isyu ng pagkain ay dapat nasa […]

  • ‘Firefly’, kinabog ang naglalakihang pelikula: EUWENN, tinanghal na Best Child Performer sa ‘MMFF 2023’

    WALANG pag-aalinlangan na nagniningning ang mga ilaw para sa ‘Firefly’ sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, nang mag-uwi ang pelikula ng tatlong major awards sa 15 nominasyon, kabilang ang Best Picture.     Produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, tinalo rin ng ‘Firefly’ ang iba pang […]

  • Biggest movie to date na ipalalabas sa mga sinehan: Sen. IMEE, pagbabasehan ng kuwento ng last 72 hours nila sa Malacanang

    FAMILY dramedy movie ang ‘Maid In Malacanang’, ang pinakabagong offering mula sa Viva Films to be directed by the controversial Darryl Yap.   Bida sa movie sina Cesar Montano as the late president Ferdinand Marcos, si Ruffa Gutierrez as former First Lady Imelda Marcos, Cristine Reyes as Sen. Imee Marcos, Diego Loyzaga as now President […]