PBBM, muling nanawagan kay Cong. Teves na umuwi na ng Pinas
- Published on May 13, 2023
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na magbalik-Pinas na at harapin ang alegasyon laban sa kanya ukol sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa.
“Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ayon kay Pangulong Marcos bilang tugon sa tangong kung ano ang maipapayo niya sa mambabatas.
Kinapanayam ang Pangulo ng mga miyembro ng media habang lulan ito ng PR 001 habang pabalik ng Pilipinas matapos dumalo sa 42nd ASEAN Summit sa Labuan Bajo, Indonesia.
Ayon sa Pangulo, sinabi sa kanya ni Timor-Leste Prime Minister Taur Matan Ruak sa kanilang bilateral meeting na humirit ng political asylum si Teves sa huli.
“Yes. It turns out that Congressman Arnie Teves applied for political asylum but was denied. Ganun lang. So I think they will continue to be — to go to the process,” ang pagbubunyag ng Pangulo.
“May appeal process para sa — those who are applying… but na-deny so we’ll just wait for the process to complete,” anito.
Dahil dito, pinasalamatan naman ng Pangulo si Ruak para sa agarang pag-aksyon sa aplikasyon ni Teves.
Malugod aniyang ikinatuwa ng gobyerno ng Pilipinas ang mabilis na desisyon ni Rual dahil mas magiging mabilis na aniya na maibabalik sa Pilipinas si Teves para sagutin ang alegasyon laban sa kanya.
Samantala, iniulat naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binasura ng Timor-Leste ang aplikasyon ni Teves’ para sa political asylum at ipinag-utos dito na kaagad na lisanin ang bansa sa loob ng limang araw. (Daris Jose)
-
Pagpapalawak ng Kadiwa stores, suportado ni Tiangco
SUPORTADO ni Navotas Representative Toby Tiangco ang plano ng Department of Agriculture na palawakin ang Kadiwa Stores sa pamamagitan ng posibleng franchising dahil sa potensyal nitong hikayatin ang pag-unlad ng MSME sa bansa. “We are optimistic that if the Department of Agriculture opens the initiative to cooperatives or even small- […]
-
Smart tv, wall fan, ceiling fan, ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan sa mga pampublikong paaralan na elementarya at high school. Kabilang sa mga elementarya na nakatanggap ng 55-inch smart TV at electric fan ay ang North Bay Boulevard North Elementary School, […]
-
NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List
NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List sa pangunguna ni Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Avorque Acidre. Nasa 1000 benepisyaryo ang nabigyan ng tig-P5000 sa ilalim ng AICS habang 50 naman ang nabigyan ng 22-footer na bangka na mayroong 16hp engine, lambat, at […]