• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TANSINGCO UMAASA NA MAISASABATAS ANG BAGONG IMMIGRATION LAW

UMAASA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang batas para pagbabago ng ahensiya ay tuluyan din maipapasa.

 

 

Ginawa ni Tansingco ang pahayag kasunod ng pagsuporta ng ilang mambabatas sa Kongreso na ipapasa nila ang natitirang priority bills.

 

 

Tinukoy ng BI ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang sinasabing proposed immigration modernization law na priority measure.

 

 

Umaasa si Tansingco na maaaprubahan sa ikatlong pagbasa kasunod ng State of the Nation Address ng Pangulo.

 

 

Sinasabing ang nasabing batas ang solusyon upang mabago ang 83-year-old na immigration law.

 

 

Bukod sa updates sa visa types at penalties, sinisiguro sa bagong batas ang augmentation sa suweldo ng mga empleyado lalo na sa mga mabababa ang suweldo at papayagan ang ahensiya na mag-recruit ng bagong graduate mula sa mga magagandang eskuwelahan na pumasok sa government service. GENE ADSUARA

Other News
  • 1,424 magulang/guardian ng mga mag-aaral, tumanggap ng P3K ayuda

    BINISITA ni Congressman Toby Tiangco para kamustahin ang unang batch ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP para sa mga magulang/guardian ng Navoteño senior high school students. Umabot sa 1,424 magulang/guardian ng mga mag-aaral mula sa San Roque National High School, Navotas National High School, […]

  • Explore the magical world of Wicked in Jon M. Chu’s cinematic adaptation, arriving in PH cinemas

    THE magic of Oz is coming to life! Universal Pictures unveils an exciting behind-the-scenes look at Wicked, the cinematic adaptation of the beloved stage musical, giving fans a peek into the journey of bringing this spellbinding story to the big screen. Set to premiere in Philippine cinemas on November 20, Wicked promises a breathtaking, immersive […]

  • 28 bahay sinira ng 2 tornado sa Florida

    WINASAK ng dalawang tornado ang nasa 28 kabahayan sa Lee County, Southwest Florida.     Ang nasabing tornadoes ay bunsod ng parehas na storm system na nagdulot ng pag-ulan ng yelo sa ilang bahagi ng East Coast kung saan mahigit 50 milyong mga katao doon ang nasa ilalim ng winter weather alerts.     Umabot […]