Administrasyong Marcos, “double time” sa pagtatrabaho para mabawasan ang posibleng epekto ng El Niño phenomenon
- Published on May 15, 2023
- by @peoplesbalita
DOUBLE TIME ang administrasyong Marcos sa pagtatrabaho para bawasan ang panganib at negatibong epekto ng El Niño phenomenon.
Sa three-page report ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na muling binuo ng gobyerno ang “El Niño team” sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasama ang ibang member-agencies.
Ang team ay inatasan na ipatupad ang mga hakbang para pagaanin ang epekto ng El Niño sa ekonomiya ng bansa, natural resources, environment, climate change, disaster response, at peace and order.
Ang muling pagbuo sa El Niño team ani GAlvez ay tugon sa naging direktiba ng Pangulo para ipatupad ang “Whole-Of-Government” and a “Whole-Of-Nation” approach para maghanda para sa posibleng malawakang dry spell o panahon ng tagtuyot.
“The reconstituted team is in consonance with the President’s directive of reviving the existing protocols and Task Force for El Niño as he emphasized that the current Expanded Roadmap for Addressing the Impact of El Niño (E-RAIN) will also be updated and enhanced,” ayon kay Galvez.
Ang pagpapalabas ng resolusyon ay nagpapahiwatig na ang adoption ng umiiral na E-RAIN framework ay rekomendado at kung kinakailangan, ipinapanukala ang paglikha ng Technical Working Group is also suggested.
“The monitoring of resources, the recommendations of the concerned agencies and the strategies employed by the previous administrations shall be taken as inputs to enhance the E-RAIN framework,” ang sinabi ni Galvez sa Pangulo.
“The reconstituted El Niño team has agreed to update and improve the E-RAIN, specifically the areas of concern such as food security, water security, energy security, health and public safety,” ayon pa rin kay Galvez.
Aniya, nagkasundo aniya sila na ipagpatuloy ang umiiral na istraktura ng El Niño Task Force gaya ng nakasaad sa ilalim ng “EO No. 16 series of 2001 na inamiyendahan ng Memorandum No. 38, series of 2019, na isama ang local government units.
Samantala, makikipagtulungan naman ang mga lokal na opisyal sa ibang tanggapan at mangangalap ng mahahalagang data na pagsasama-samahin ng National Economic and Development Authority (NEDA) habang ang pribadong sektor at ibang organisasyon ay kailangan ma-involved sa adaptation ng “Whole-of-Nation” approach.
Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang posibleng epekto ng El Niño, sinabi ni Galvez na bibisitahin niya ang Cagayan Valley para personal na i-assess ang situwasyon sa regiyon bilang “one of the most likely affected” ng dry spell. (Daris Jose)
-
Naging close sa shoot ng ‘Running Man PH’: KOKOY, nagparamdam na balak na talagang ligawan si ANGEL
NAGPAKILIG ng kanilang mga tagahanga ang ‘Running Man Philippines’ stars na sina Kokoy De Santos at Angel Guardian sa ‘The Boobay at Tekla Show’ noong nakaraang Linggo. May usap-usap nga na nagpaparamdam na ng kanyang balak na ligawan ni Kokoy si Angel dahil naging very close sila noong mag-shoot sila ng ‘Running Man’ […]
-
‘Tulak’ kulong sa P34K droga sa Navotas
ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na ikinasa ng mga operatiba ng Station […]
-
Ads December 30, 2023