• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, pinag-aaralan ang lahat ng opsyon para ibaba ang presyo ng sibuyas, pinag-iisipan ang pag-angkat

SA GITNA nang tumataas na presyo ng sibyas sa piling pamilihan, sinabi  ng Department of Agriculture (DA) na pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat ng  commodity,  para mapababa ang presyo nito.

 

 

Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista  na nakikipag-ugnayan na sila sa mga onion farmers para idetermina  kung paano nila  maibababa ang  farmgate price, kasalukuyan ngayong nasa  P100 hanggang P120 kada kilo.

 

 

“Medyo mataas talaga ang ating farmgate price ngayon. Tinitignan natin kung paano, kung pwede talagang i-peg na lang sana sa P100 [per kilo] ang farmgate kung saan nakabawi na ating mga magsasaka, may margins na sila,” ayon kay Evangelista.

 

 

Aniya pa, kailangan din na i-monitor ng DA ang “inflow and outflow” ng onion stocks sa cold storage facilities, at i-check ang mga daungan, ports at pamilihan para idetermina kung mayroong ipinagbibili na smuggled onions.

 

 

“Sa ngayon, wala naman tayong nakikitang imported na mga sibuyas. Pero all the angles are being looked into para we are working on bringing down the price of onions para sa ating consumers,” ayon kay Evangelista,

 

 

Ayon naman sa  Bureau of Plant Industry (BPI), ang suplay ng pulang sibuyas sa bansa ay sapat at magtatagal ng hanggang Nobyembre habang ang puting sibuyas naman ay magtatagal ng hanggang Setyembre.

 

 

Nauna rito, nanawagan naman ang  Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na mag-angkat ng puting sibuyas sa Hulyo para makaiwas sa posibleng kakapusan at pagtaas ng presyo.

 

 

Para naman sa pulang sibuyas, sinabi ng grupo na ang importasyon ay maaari namang gawin “on a  later time.”

 

 

Ani Evangelista, kinokonsidera ng DA  ang pag-angkat ng commodity para sa  price stability purposes.

 

 

Hindi naman nagbigay si Evangelista ng “estimated date” sa kung kailan mangyayari ito.

 

 

“Siyempre, kailangan nating ma-maintain ang supply. At the same time, we will check ‘yung supply, nakakarating mismo sa palengke. ‘Pag ito ay sapat, ang presyo natin ay magiging stable,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • South Korean’s 5th Highest Grosssing Films of 2022 ‘Emergency Declaration’, Hits PH Cinemas

    “Emergency Declaration”, which now sits comfortably at the number 5 spot in the Highest Grossing South Korean films of 2022, hits Philippine cinemas.     Written and directed by the multi-awarded writer-director Han Jae-Rim (The King, The Face Reader, The Show Must Go On), this aviation disaster action thriller brings together some of the biggest […]

  • Ads August 29, 2022

  • Sa gitna ng usapin sa WPS: PBBM, umaasa na tutulungan ng Czech ang Pinas para gawing modernisado ang AFP

    UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng Czech Republic ang Pilipinas na gawing modernisado ang military nito sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea (WPS). Ipinahayag ito ng Pangulo sa kanyang joint press conference kasama si Czech President Petr Pavel nang uriratin ukol sa ‘defense cooperation’ sa pagitan ng dalawang bansa. ”We […]