• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas nakapagtala ng 2 milyon international arrivals – DOT

NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng kabuuang 2,002,304 dayuhang turista mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023 na higit pa sa target na 1.7 milyon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).

 

 

“Notwithstanding our challenges and difficulties that our country has faced, a pandemic and the various calamities that come into our shores the good news is that this has done nothing to break the Filipino spirit or to diminish the beauty of the Philippines,” paha­yag ni Tourism Secretary Christina Frasco  nitong Linggo.

 

 

Una nang nagtakda ng goal ang DOT na maabot ang 4.8 milyon na international arrival para sa 2023 bilang bahagi ng National Tourism Deve­lopment Plan (NTDP) nito.

 

 

Nangunguna ang South Korea, na may 487,502 arrivals; sinundan ng US, 352,894; Australia, 102,494; Canada, 98,593; Japan, 97,329; China, 75,043; Taiwan, 62,654; United Kingdom, 62,291; Singapore, 53,359; Malaysia, 36,789.

 

 

Nagtala rin ang DOT ng P168.52 bilyon sa mga inbound visitor receipts noong Abril, higit sa pitong beses ang halagang nabuo sa parehong timeframe noong nakaraang taon.

Other News
  • PANGANGAMPANYA, PARA LIMITAHAN ANG PANGANIB SA COVID

    GUMAWA ng mga paghihigpit ang Comelec sa personal na pangangampanya upang limitahan ang panganib ng mga impeksyon sa COVID-19 sa panahon ng 2022 campaign period.     “Sa tamang panahon at sa tamang sirkumstansya, nakakakita tayo ng mga sitwasyon kung saan tama at kinakailangan na medyo pigilan ang mga iba’t ibang activities,” ayon kay Commission […]

  • Ads June 20, 2023

  • GINANG, NADAGANAN NG BAKAL NA POSTE, PATAY

    NASAWI ang isang 53-anyos na ginang nang madaganan ng isang bakal na poste nang natumba matapos na nabangga ng isang dump truck sa Tanza, Cavite Huwebes ng hapon.     Isinugod pa sa Manas Hospital ang biktimang si  Ma.Fe Gutierrez Nazareno, may-asawa, isang Food handler ng Concepcion Brgy. Timalan, Naic, Cavite subalit idineklarang dead on […]