DepEd, lumikha ng task force para suriin ang SHS program
- Published on May 16, 2023
- by @peoplesbalita
NAG-ORGANISA ang Department of Education (DepEd) ng national task force na susuri sa implementasyon ng senior high school (SHS) program.
Base sa memorandum na nilagdaan ni DepEd Undersecretary Gina Gonong na may petsang Mayo 11, ang task force ay nilikha “to address the emerging challenges in the implementation of the SHS program in both DepEd and non-DepEd schools.”
Ang task force ay nagsumite ng report ng accomplishments at outputs kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, sa pamamagitan ng Undersecretaries of the Curriculum and Teaching and Operation Strands, “on or before May 12, 2024.”
Kabilang sa mga responsibilidad ng task force ay rebisahin ang umiiral na program policies “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” para sa pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholders; at palakasin ang kasunduan sa private sectors at iba’t ibang industriya sa national at regional levels para mapahusay ang SHS employability.
Inaasahan din na made-develop ang mga polisiya at plano base sa program implementation review results at inaasahan na future needs; at pakikipagtulungan sa mga mahahalagang tanggapan gaya ng state universities at colleges, at public at private schools, para i-develop ang isang SHS database kabilang ang “policies, program offerings, and private school data.”
“As the nation strives for economic recovery and growth, it is becoming increasingly important for SHS graduates to have greater access to employment, entrepreneurship, advanced education, and training,” ang nakasaad sa memorandum.
Noong nakaraang Enero, sinabi ni Duterte na nakatakdang suriin ng DepEd ang K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming job-ready at responsible graduates.
Sinabi ng DepEd na ang task force ay kinabibilangan ng Secretariat na magbibigay ng administrative support para sa epektibong implementasyon ng SHS Program Standards and Support Systems “by addressing logistical concerns and convening the members of the SHS NTF when needed.”
Samantala, itinalaga ng departmento ang Assistant Secretary for Curriculum and Teaching, Curriculum Development, Learning Delivery, and Learning Resources bilang chairman ng task force, at Assistant Secretary for Operations bilang co-chair. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Insentibo sa mga guro, matatanggap ngayong National Teachers’ month
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ang lahat ng mga guro ng kanilang mga insentibo kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5. Makakakuha ng P1,000 ang mga guro sa pampublikong paaralan bilang insentibo. Ginawa ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa ang […]
-
Bebot na nagnonotaryo, huli sa entrapment ops sa Valenzuela
TIMBOG ang 22-anyos na bebot matapos kumagat sa ikinasang entrapment operation ng pulisya nang pirmahan sa ibabaw ng pangalan ng abogado ang ipina-notaryong “affidavit of loss” ng isang policewoman na nagpanggap na kliyente sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si […]
-
Si Gretchen daw ang nagbuko na naghiwalay na: SUNSHINE, tikom pa rin ang bibig sa naging relasyon nila ni ATONG
SI Gretchen Barretto raw ang source sa naglabasang isyu na hiwalay na raw sina Sunshine Cruz at Atong Ang. Ayon sa source namin ay ibinulong daw ni La Greta sa mga close friends niya na tinapos na nina Sunshine at Atong ang may isang taong relasyon. Pero kung sino ang nakikipaghiwalay at kung […]