• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang araw bago ang Mother’s Day: VALERIE, kinumpirma na buntis at ipinakita ang baby bump

KINUMPIRMA ni Valerie Concepcion na buntis siya sa kanyang asawang si Francis Sunga, isang araw bago ang Mother’s Day.

 

 

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Valerie ang ilang larawan na hawak niya at ni Francis ang ultrasound, pati na rin ang kaniyang baby bump.

 

 

“One is great, two is fun, so why not add another one? ????” caption ng “The Seed of Love” actress.

 

 

Ikinasal sina Valerie at Francis noong 2019; may panganay na anak si Valerie sa dati niyang nobyo na si Jeremy Carag na si Heather Fiona Galang na nag-debut last year.

 

 

May anak na babae rin si Francis sa dati niyang relasyon. Ipinaabot naman ng mga kaibigan ni Valerie sa showbiz ang kanilang pagbati sa aktres sa kaniyang magandang balita.

 

 

“Yaaaayyy congratulations @v_concepcion woohoooo??????” sabi ni Pokwang.

 

 

“YEHEEEEEYYYYY!!!!!! Ninang ako te ?????? haha” biro sa kaniya ni Herlene Budol.

 

 

“Woohooooooooo congratulations!!!! @v_concepcion” pagbati ni Gelli de Belen.

 

 

“Congratulations, Val!!!” sabi ni Carla Abellana.

 

 

***

 

 

NILINAW ni Heart Evangelista na hindi niya inisnab si Dra. Vicki Belo noong pumunta sila sa Italy para sa Milan Fashion Week.

 

 

“Hindi ko siya nakita,” pagklaro ni Heart tungkol sa naturang usapin sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

 

 

Dagdag ni Heart, nakatuon ang kaniyang pansin niya noon sa mismong show.

 

 

“I’m not there to chitchat. I’m there to immerse myself,” saad ng Kapuso fashion icon.

 

 

“Sa mga hindi nakakaintindi, but it’s art, and you appreciate art. And for me ‘yun talaga ang hilig ko eh. So talagang nagfo-focus ako,” paliwanag niya.

 

 

Ayon kay Heart dumalo siya sa isang event na tampok ang mga modelong puro mga kambal.

 

 

“Siyempre wala ka nang makikitang ibang tao. It’s such an experience and sometimes everything else is a blur,” dagdag niya.

 

 

Nauna nang nilinaw ni Dra. Vicki na hindi sila inisnab ni Heart, at dahil hindi umano alam ng aktres na pumunta rin sila ni Alex Gonzaga sa event.

 

 

“How could she [Heart] snub us when she didn’t even know we were there? And we never ever saw each other,” sabi ni Dra. Vicki.

 

 

“If you watch the Vicki Belo vlog, you will see that Alex and I were just kidding and joking around,” dagdag pa ng doktora.

 

 

***

 

 

TILA naging kasama ni Maxene Magalona sa biyahe habang nasa Grab car ang namayapang ama na si Francis Magalona dahil pinapatugtog ang banayad na awitin ng Master Rapper na “Cold Summer Nights.”

 

 

Sa video na ipinost ni Maxene sa Instagram, madidinig ang pagsabay ng aktres sa awitin ng kanyang ama.

 

 

Sabi ng Grab driver kay Maxene, “Idol na idol ko po papa niyo.”

 

 

“Awww, salamat kuya,” tugon naman ni Maxene. “Nagpaparamdam siya sa ‘tin.”

 

 

Sa pagsabay ni Maxene sa awitin, pinalitan niya ang bahagi ng liriko nito at sinabing, “I miss you papa, I need you here.”

 

 

Saad naman ni Maxene sa caption ng kaniyang post, “Salamat sa solid sound trip, kuya! Hello, Papa!”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Apat na pugante sa Japan, naaresto

    INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit ang tatlong dayuhan na wanted ng krimen sa Japan. Kinilala ni  BI fugitive search unit Rendel Ryan Sy ang tatlong dayuhan na si Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at  Suzuki Seiji, 29 na naaresto sa loob ng subdivision sa  Paranaque City. Inaresto […]

  • 30% ng mga residente sa NCR, nananatiling hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19 — Usec. Diño

    MAY 30% pa rin ng mga residente sa National Capital Region (NCR) ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan laban sa COVID-19     “Sa Metro Manila, puwede na kaming pumalo ng 30%,” ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.     “Mataas ang herd immunity natin sa Metro Manila. Siguro pumalo […]

  • Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics

    INALIS ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.     Dahil dito ay nagdesis­yon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event.     Sa kabila ng pagkaka­roon ng coronavirus di­sease (COVID-19) […]