• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS may condonation program sa mga employer

NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga emplo­yers na bigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa nagdaang buwan at taon na samantalahin ang contribution penalty condonation programs para maayos ang kanilang obligasyon.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga delinquent employers na ayusin ang kanilang  contribution delinquencies sa pamamagitan ng Contribution Penalty Condonation, Delinquency Ma­nagement and Restructuring Program (CPCoDe MRP) para sa business employers at Contribution Penalty Condonation and Restructuring Program (CPCR-P) para sa  household employers.

 

 

Sa ilalim ng contribution penalty condonation programs, aasistihan ng SSS ang business at household employers na ayusin ang kanilang delinquencies sa pamamagitan ng pagbayad ng unremitted contributions habang sumasailalim sa condonation ng penalties.

 

 

Ang  CPCoDe MRP ay para sa lahat ng  emplo­yers na classified bilang  single proprietors, corporations, partnerships, coo­peratives, at  associations na may delinquencies sa  contribution payments, kasama na ang penalties simula nang kanilang  actual date of operation.

 

 

Sinabi ni SSS Account Management Group Concurrent Acting Head Neil F. Hernaez na sa ilalim ng  programa, ang  delinquent business employers ay babayaran ang  unremitted SS contributions plus legal interest na 6% per annum sa panahon na ang  employer ay nagpakita ng katunayan na ang kanilang negosyo ay nalugi o walang kita.

Other News
  • Implikasyon ng naging desisyon ng Korte Suprema sa JSMA sa China, Vietnam, pag-aaralan ng DoE

    PAG-AARALAN ng  Department of Energy (DOE)  ang naging  desisyon at implikasyon ng  Supreme Court (SC) ruling sa Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa China at Vietnam na sinasabing  “void at unconstitutional.” Sa isang kalatas, sinabi ni DOE Undersecretary Alessandro Sales na titingnan nito ang nasabing desisyon, makikipag-ugnayan sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sa kung […]

  • SAM HEUGHAN WILL MAKE AUDIENCES FALL FOR HIM AS THE ROMANTIC LEAD IN “LOVE AGAIN”

    “It feels to me like the classic romcoms that you just don’t see anymore,” says producer Esther Hornstein of Love Again, a new love story opening exclusively in SM Cinemas on May 10.   “Two heartbroken people in New York City – with different reasons for their heartbreak – find their way to each other, […]

  • Baon sa lahat ng estudyante, isinusulong

    ISINUSULONG ng isang mambabatas ang paglalaan ng taunang cash assistance na P1,000 sa pre-elementary, P2,000 sa elementary, P3,000 sa junior high school, P4,000 sa senior high school at P5,000 sa mga college students.       Nakapaloob ito sa House Bill 6908 na inihain ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.       Ayon sa […]